Story By Gil Jacinto
author-avatar

Gil Jacinto

ABOUTquote
Hello, I\'m a young writer who started exploring writing just this year. I write horror/thriller stories. Aside from novels, I\'m also working on comics and various kind of arts
bc
Ang Kontrata
Updated at Oct 29, 2021, 20:23
Isang grupo ng magkakaibigan, sina Vincent, Jerry, Benjie, Ricky, Louis, Miguel, at Paul, ang sinusulit ang sarap ng kanilang kabataan nang dumating sa kanila ang pangyayaring nakapagpabago sa kanilang buhay. Pinagtangkaan ni Jimboy ang buhay ng isa sa kanila, si Benjie. Para mailigtas ang kaibigan, kinailangang kumilos ni Louis. Ang kanyang ginawa ay naging dahilan ng aksidenteng pagkamatay ni Jimboy. Si Kapitan Jojo, ang tatay ni Jimboy, ang kinikilala mastermind sa pagpatay sa magsasakang si Mang Danny. Nang malaman ng Kapitan ang pagkamatay ni Jimboy, kumuha siya ng isang tao na papatay sa pitong magkakaibigan para maipaghiganti ang anak. Kailangan ng mga binatang makipaglaban para matakasan ang kamatayan. At sa tulong ng pagkakaisa ay nagawa nila ito sa kabila ng mga dagok ng buhay. Ano ang gagawin nila kung pagkatapos ng halos labing dalawang taon ay magbalik ang kanilang enemigo? Matatakasan ba uli nila ang kamatayan gayong kulang na sila?
like
bc
Ang Marioneta
Updated at Sep 29, 2020, 20:23
Nakatala sa banal na kasulatan ang kaganapan tungkol sa pagharap ng Messias sa pulutong ng Diablo na sumanib sa dalawang lalaki. Ang pulutong ng diablong iyon ay nagbalik at pumasok sa isang babaeng pinagmamalupitan na ng buhay. Ang mga sumunod na pangyayari ay napupuno ng takot, kalituhan, at kawalan ng katiyakan ng bukas.
like