bc

Willton's Academy

book_age16+
308
FOLLOW
1.3K
READ
dark
badgirl
student
twisted
mystery
scary
detective
campus
small town
school
like
intro-logo
Blurb

A group of thieves and killers wearing clown masks broke into Evergreen's house. They killed Mikaella and Mike's parents. The two siblings had no choice but to sell the house. To pay their parent's debt and to start a new life. They moved to Moonbridge town and Mikaella continued her studies in her new school, Willton's Academy. One night, Mikaella was drinking milk in the kitchen when suddenly she saw a group of men wearing the familiar clown masks. It was the masks of the murderers who killed her parents. The Killers was a student at Willton's Academy.

Will she find out who they are?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Mika's P.O.V "Are you done unpacking your things?" Tanong ni kuya sa akin. "Yeah. Maayos na din kwarto ko," sagot ko at umupo para kumain. "I ordered your favorite food." Nilagyan n'ya ng chicken ung plate ko at inabot ang mushroom soup. "Thanks," tipid kong sabi at tahimik na kumain. "By the way, i got accepted sa pinagapplyan ko. I need to complete and fix my requirements tomorrow. Ihahatid na rin kita bukas sa new school mo para sabay na tayo," Sabi nya at uminom ng tubig. "Sure," sagot ko at tumayo na. "Busog na ako. I'm going to sleep." Hindi ko na sya inantay pang magsalita at umakyat na ako agad papunta sa bagong kwarto ko. Kakalipat lang namin ng bahay at hindi pa ako pamilyar dito. Humiga ako sa kama ko at tinignan ang mga glow in the dark stars sa ceiling. I smiled. Si mommy ang bumili nito nung bata pa ako. Tuwing tinitignan ko ito ay nawawala lahat ng problema at lungkot na nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko nasa ibang mundo ako kung saan walang problema. Tinignan ko ang clock ko sa gilid at nakitang 9 pm na pala. Napahikab ako dahil sa antok at unti-unting pinikit ang mga mata. ××× "Mike! Isama mo si Mika sa back door! Ngayon na!" Sigaw ni Daddy. "But Dad! Pano kayo ni Mommy?!" Nagpa-panic na tanong ni kuya. "Honey, sweetie. Kaya na namin 'to. Please mauna na kayo," mahinahon na sabi ni Mommy sa amin. Nasa Kitchen kami ngayon at nagtatago. May marinig kaming malakas na tunog ng baril galing sa 2nd floor. Naiiyak na lang ako dahil sa nangyayari sa amin ngayon. "Pero mommy.. may tama ka sa tagiliran," umiiyak na sabi ko at nakita ang dugo na patuloy lang sa pag-agos. "Okay lang ako, Mika," sabi ni Mommy at mahigpit kaming niyakap ni Kuya na para bang ito na ang huling yakap nya sa amin. "Kailangan nyo na umalis hangga't hindi pa nila tayo nakikita." "But mom.. hindi namin kayo iiwan." Pagpupumilit ko. Tinignan ko si Daddy na may hawak na baril at nakasilip sa living room. Nanginginig ako sa takot. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kanina lang ay normal pa ang lahat at mahimbing akong natutulog. Hindi ko alam bakit 'to nangyayari sa'min ngayon. "Shit," Rinig kong sabi ni Daddy nang may marinig na naman kaming tunog ng baril. Biglang may narinig kaming salamin na nabasag sa living room at mas lalong lumala ang takot at kaba na nararamdaman ko. Malapit na sila. "Mommy," umiiyak at takot kong tawag sa kanya. I'm scared. "Tinawagan ko na ang mga police. Parating na sila rito. Please Mika and Mike, makinig kayo sa amin ng Daddy nyo. Mauna na kayo. Masyadong delikado dito." Pagmamakaawa ni mommy sa amin. Kita ko sa mukha nya na natatakot at nahihirapan din sya sa sitwasyon namin ngayon. Niyakap ko si mommy ulit nang mahigpit at narinig ko ang pag-iyak nya. Bigla naman akong hinawakan ni kuya sa braso at nilayo kay Mommy. "Kuya, no!" Umiiyak kong sabi habang inaabot si mommy. "Promise us na magkikita pa tayo mamaya," rinig kong sabi ni Kuya kila mommy at daddy. "We promise," sabay na sabi nila mommy. "I finally found you, Mr. Evergreen!" "Fuck." Agad akong naupo at napayakap sa tuhod ko. Biglang bumuhos ang luha ko at nanginginig ako sa takot. Biglang bumalik ung kaba, takot at lungkot na naramdaman ko sa gabing 'yon. "Mommy.." napahikbi na lang ako habang nakayakap sa tuhod ko "Daddy.." Hanggang ngayon ay hindi parin nahuhuli kung sino ang pumasok sa bahay namin at pumatay kila Mommy. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nabibigyan ng katarungan. Isang buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari yon at isang buwan ko na rin napapaginipan nang paulit-ulit ang gabing iyon. Napatingin ako sa bintana nang maramdaman ko ang malamig na hangin. Tumayo ako at pumunta rito. Isasara ko na sana ito nang may makita akong apat na lalaki sa labas na naglalakad. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakasuot sila ng hoodie. May mga hawak silang baseball bat. Napakunot naman ang noo ko. "Anong oras na ba?" Mahinang tanong ko at tinignan ang cellphone ko. 1:30 A.M. 1:30 a.m. na pala. Ano pang ginagawa nila sa labas ng gantong oras? Pagtingin ko ulit sa kanila ay nagulat ako nang makitang nakatingin yung isa sa kanila sa'kin at kumaway. Agad kong sinara ang binatana pati na rin ang kurtina at agad akong pumunta sa kama ko. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil madilim at nakasuot sya ng hoodie. ××× "Wala ka bang nakalimutan?" Tanong ni kuya pagkapasok ko sa kotse nya. "Wala naman," sagot ko at sinuot ang bluetooth earphones ko. Pinikit ko lang ang mga mata ko buong byahe at nakinig ng kanta. "Mika." Napadilat ako nang hawakan ako ni kuya sa braso. "Why?" I asked. "I hope you'll open up to me soon," Sabi nya at ngumiti. "Nandito na tayo sa Willton's Academy. Baka malate ka pa." "Thanks," sagot ko at bumaba na sa kotse. Hindi na ako lumingon at dumiretso lang ako papasok sa gate. "I'm sorry kuya," mahina kong sabi. Simula nung gabing 'yon ay hindi na ako nagkukwento o nakikipagusap kay Kuya. I hate him. Alam kong mali pero right now, ayun ung nararamdaman ko and i can't help it. Kinuha ko ang papel sa bag ko at tinignan ang schedule ko. Tinignan ko rin kung anong room ang bawat subjects ko. By the way, I'm in my 4th year high school.. Pumasok na ako sa loob ng building A at nakita ang mga studyanteng nakatingin sa'kin. I need to get used to this. Dahil transferee ako, it's normal na pag-usapan and pagtinginan ako. I actually hate being the center of attention. Lalo na mag-isa lang ako and I'm surrounded by strangers. Tahimik akong pumasok sa classroom at umupo sa gilid, sa may bintana. Maliit lang dito sa loob at sa tingin ko ay 20-30 kami ditong magkakaklase. Kulay puti ang pader dito at may mga nakasabit na prayers sa paligid. May apat na bintana din dito at kulay puti ang kurtina. "Hi!" Napatingin ako sa babaeng mahaba at kulay brown ang buhok. Hinawi ko ang buhok sa patilya ko para makita nya na may earphones ako at di ako interested makipag-usap. "I'm Cara Stones. I'm the vice president of our class." Rinig kong pakilala nya sa kanyang sarili. Mahina lang yung volume ng pinapakinggan ko kaya naririnig ko sya. "Goodmorning, class!" Napatingin naman ako sa sumigaw at pumasok sa classroom. Lalaki ito at isa itong studyante. "Kael naman eh! Akala ko si Sir Cruz na," sabi nung babae sa kabilang side na may hawak na vape. "Hey! Bawal mag-vape dito sa school." Saway nung Kael sa kanya. "I'm going to tell Ms. Dannica about this," seryosong sabi ni Kael dun sa babae. "But--" "No buts, Rica. It's written in our school's rules," strict na sabi nung Kael at nang mapatingin sya sa akin ay naglakad sya papunta sa direksyon ko. Ngumiti sya at lumapit sa'kin. "Hi! So, you're the transferee? I'm Kael Serfin. I'm the Class president here." Pakilala nya sa sarili. "Mika. Mikaella Evergreen," sabi ko at nilipat ang pahina ng librong binabasa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook