bc

Ang Kontrata

book_age16+
124
FOLLOW
1K
READ
dark
student
no-couple
serious
bold
multi-character
realistic earth
school
like
intro-logo
Blurb

Isang grupo ng magkakaibigan, sina Vincent, Jerry, Benjie, Ricky, Louis, Miguel, at Paul, ang sinusulit ang sarap ng kanilang kabataan nang dumating sa kanila ang pangyayaring nakapagpabago sa kanilang buhay. Pinagtangkaan ni Jimboy ang buhay ng isa sa kanila, si Benjie. Para mailigtas ang kaibigan, kinailangang kumilos ni Louis. Ang kanyang ginawa ay naging dahilan ng aksidenteng pagkamatay ni Jimboy.

Si Kapitan Jojo, ang tatay ni Jimboy, ang kinikilala mastermind sa pagpatay sa magsasakang si Mang Danny. Nang malaman ng Kapitan ang pagkamatay ni Jimboy, kumuha siya ng isang tao na papatay sa pitong magkakaibigan para maipaghiganti ang anak.

Kailangan ng mga binatang makipaglaban para matakasan ang kamatayan. At sa tulong ng pagkakaisa ay nagawa nila ito sa kabila ng mga dagok ng buhay.

Ano ang gagawin nila kung pagkatapos ng halos labing dalawang taon ay magbalik ang kanilang enemigo? Matatakasan ba uli nila ang kamatayan gayong kulang na sila?

chap-preview
Free preview
Prologo/Kabanata 1: Vincent
Prologo Malaki ang building ng kumpanya. Pinagmamayabang nito na mas malaki ang kinikita nitong pera kaysa sa ibang negosyo sa Baliuag. Sinuri niya ang gusali. Ang mga bintana, mga pinto, mga taong naglalabas-masok. Mainit pa ang palabok sa loob ng styrofoam. Kailangan na niyang dalhin ito sa kustomer bago pa lumamig. Alam niyang paborito nito ang palabok, lalo na kapag maraming sahog ng chicharon. Ayaw nito ng maninipis na noodles. Gusto nito ‘yung makakapal, ‘yung masasarap nguyain. Gusto rin nito na maraming hipong sahog, ‘yung nabalatan na. Alam niya lahat ng detalyeng ito. Sabi dati ng nanay niya na masamang kumain ng mga pasta o noodles sa gabi. Hindi niya pinakikinggan ang babalang iyon. Hindi niya alam kung gano’n din ba ang paalala ng nanay ng kustomer niya ngayon. Papayag kaya ang nanay nito na kumain ito ng palabok ngayong gabi? Papasok na sana siya nang harangin siya ng guwardiya. Mataba ito at nauuubos na ang buhok. Masama ang tingin sa kanya nito. “Empleyado lang,” sabi nito. Ipinakita niya ang bitbit na plastik na naglalaman ng dalawang styro ng palabok. “Food delivery po,” sabi niya. Tiningnan pa siya nang ilang segundo bago kinuha ang cell phone at tumawag. “Hello, boss? Opo. May delivery po ba kayo?... Meron dito, magdedeliver daw... Ano raw ‘yan?” sa kanya ang tanong ng guwardiya. “Palabok po,” tugon niya. “Dalawang order.” “Hello, boss. Opo. Palabok daw. Dalawang order... ah, baka nga po... Sige po.” Nilingon siya ng guwardiya. “Second floor. Daan ka ro’n sa hagdan. Tapos liko ka sa kanan. May hallway do’n. Paglabas mo ro’n, may makikita kang pinto. May pangalan. Louis de Jesus. Kumatok ka na lang. Sabihin mo ikaw ‘yung nagpadeliver.” “Sige po. Salamat po.” “Oh kaya iwan mo na lang dito. Ako na magdadala mamaya. Bawal pa kasi ako umalis dito.” “Ako na lang po. Baka po lumamig pa. Salamat.” Tinungo niya ang daan papunta sa kuwarto ni Louis. Nakita niya ang pinto. Mukhang mabigat. Gawa sa narra. Ganito ‘yung pinto ng bahay nila no’ng bata pa siya. Kumatok siya sa pinto. “Sir. Delivery po.” “Sige pasok ka. Bukas ‘yan,” sabi ng tao sa loob. Binuksan niya ang pinto saka pumasok. Sinara niya ang pinto at pinindot ang lock. Ipinatong niya ang mga pagkain sa mesa ng opisina. Nakita niya ang nakaupo. Naka-army cut. Wala na ang matabang binatilyong nakilala niya dati. Ang nasa harap niya ngayon ay isang bagong tao. Hindi mataba pero hindi rin payat. Ganito niya mailalarawan ang katawan ni Louis. “Magkano, brad?” tanong ni Louis habang kumukuha ng pera sa wallet. Hindi siya sumagot. “Magkano?” Hindi siya sumagot. Iniangat na ng kustomer ang ulo nito at tiningnan siya. “Magka—“ Nabitiwan ni Louis ang wallet. “Kumusta na?” sabi niya sa nakaupo sa harap niya. Mababasa sa reaksiyon nito na nakilala siya nito sa kabila ng ilang pagbabago sa pisikal niyang anyo. Nagsasalita ito pero walang boses na lumalabas. Nababasa niya ang sinasabi nito: “Ikaw. Hindi. Puta. Puta.” Kinuha niya sa bulsa ang isang switchblade. Nasa kana pa rin ang ginagamit niyang pamunit sa leeg ng hanggang ngayon. Lumapit siya kay Louis. Natataranta nitong nilabas ang isang pistol na may silencer. Itinutok ito ni Louis sa kanya. Tiningnan niya ito nang mata sa mata, tila ba pinapakiusapan pa niya ito na kalabitin ang gatilyo. Sige lang. Iputok mo. Kaya mo ‘yan. Pawisan ang mukha ni Louis. Tumutulo ang luha, laway, at sipon. May naamoy pa siyang mapanghi na malamang ay ihi rin nito. Patuloy pa siyang naghihintay na iputok nito ang baril. Wala siyang balak agawin ito mula rito. Nawala sa kanya ang tutok ng baril. Lumipat ito sa ilalim ng ulo ni Louis. Sa bahagi sa pagitan ng leeg at baba. Isang mahinang putok. Sumambulat ang dugo, tumutulo na kasama ng luha, laway, at pawis. Wala sa plano ang nangyari. Hindi ito umaayon sa kasunduan. Pero tapos na. Wala na siyang magagawa. Kinuha niya ang isa sa mga styro ng palabok at binuksan iyon. Kumuha siya ng tinidor at kumain ng isang subo ng palabok. Masarap. Nagkakasundo ang lasa ng mga sahog at sarsa. Kumuha siya ng tissue sa plastic at pinunasan ang bibig. Lumabas siya ng opisina at lumabas ng gusali. Sumakay siya sasakyan niyang berdeng pick-up truck.   Kabanata 1: Vincent 2027 Hindi nagbigay ng palatandaan ang panahon na uulan ngayong gabi. Basa ang kalsada ng bayan ng San Ildefonso sa Bulacan. Makikita ang mga taong nakapayong sa daan, may kanya-kanyang inaasikaso. Marami sa kanila ay nakatutok sa cell phone, hindi alintana ang posibilidad na matalisod o madulas. Nagbibigay liwanag ang mga ilaw ng mga sasakyan at mga establisiyemento sa daan. Mas marami na ang naitayong negosyo rito kumpara nu’ng mga araw na rito pa nakatira si Vincent. Nakaupo siya sa isang monoblock sa harap ng isang convenience store kung saan nakasilong siya sa isang toldang kulay asul. Bumili siya ng soft drink at sitsirya para may manguya’t maiinom habang naghihintay sa mga kasama. Wala pa siyang dalawampung minutong naghihintay, pero nag-aalala na siyang baka hindi sumipot ang mga inimbitahan niya na pumunta uli rito sa Bulacan. Dito sa tapat ng convenience store ang napagkasunduan nilang meeting place. Naalala bigla ni Vincent ang masasayang araw nila ng High school. Dito sa lugar na ito sila madalas tumambay at magkuwentuhan tungkol sa mga kanya-kanya nilang kalokohan at buhay ng ibang tao. Ang mga masasayang araw. Hindi nagdalawang-isip si Vincent na tawagan ang kaniyang mga kaibigan nu’ng gabing bumalik ang kaniyang bangungot. Ang pangyayaring nagpadungis sa kanilang nakaraan. Matagal nanahimik iyon, pero ngayo’y bumalik na ito nang hindi inaasahan. Para sa proteksiyon ng sarili at ng mga kaibigan, tinawagan niya ang mga ito para tapusin na ang akala nilang matagal nang natapos. Ngayong magkakahiwalay na sila, mas mahina na sila. Kaya dapat silang magkasama muli para bumalik ang lakas na nagawa ng kanilang pagkakaisa noon.  Pero ngayon, kahit na magkasama pa uli sila, hindi na sila kasing lakas ng dati. Kung sakaling susulpot ang mga tinawagan niya, hindi ito kasing dami ng orihinal na bilang ng kanilang tropa noon. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bilang mga binata, nagkahiwalay na sila’t magkaroon ng kanya-kanyang buhay. Si Vincent at si Louis ay lumipat na ng Baliuag. Isang bayang pagitan mula sa San Ildefonso. Kahit magkababayan silang dalawa, hindi na nila nagagawang magkita’t mag-usap ngayon dala ng kani-kanilang pinagkakaabalahang trabaho. Halos sampung taon na nang huli silang magkausap. Si Vincent ay naging guro sa isang eskuwelahan sa Baliuag at si Louis ay nagtayo ng negosyo ng Food Supplement. Isa sa mga pinakakilala sa bayan. Hindi inaasahan ni Vincent na hanggang sa Baliuag ay susundan siya ng panganib na natakasan niya na sa San Ildefonso noon. Kahapon ng hapon, pumunta siya ng SM Baliuag para bumili ng printer na kailangan nila sa Faculty. Isang baguhang guro ng nakasira n’on at nagboluntaryo na lang si Vincent na bumili ng bago. Nang mabili na niya ang kailangan, bumalik siya ng kanyang sasakyan na nakaparada sa parking lot ng establisiyemento para umuwi. Pagkasakay na pagkasakay niya at pagkasara ng pinto, nakita niya uli ang lalaking iyon. Sa unang tingin pa lang ay nakilala na niya ito— ang taong nagbigay sa kanila ng takot at kawalan ng seguridad sa buhay, nakita niya uli matapos ang halos labing dalawang taon. Nanatili ang magandang hubog ng katawan nito. Tinubuan na rin ito ng malagong buhok sa ulo. Paniguradong hindi na makikita ang mga peklat sa ulo nito. Nakasandal ito sa pader na tila may hinihintay, pero sa iisang direksiyon lang nakatutok ang tingin, at sa awa ng Diyos ay hindi sa direksiyon ni Vincent. Sa unang tingin ay mapagkakamalan siyang naiwanang poon. Bumalik kay Vincent kanya ang nakakatakot at masalimuot na ala-ala. Alam niya ang pakay ng lalaking ito kung bakit siya nasa Baliuag. Kilala na niya ang ugali nito. Hindi pa siya tapos sa kanila. Hindi pa sila ubos. Nagawa nitong hanapin siya sa kabila ng mahigit isang dekadang pananahimik. Sigurado si Vincent na sa kabila ng mga taon na iyon, kilala pa rin sila nito. Sa loob ng mahigit isang dekada ay sila lang ang nasa isip nito, gutom na gutom na matapos ang kontratang wala nang bisa. Imposibleng walang ginawa ito no’ng mga taon na iyon. Ito ang klase ng tao na hindi pumapayag na hindi matapos ang nasimulan na. Kapag natapos na ito sa kanya, siguradong isusunod na nito ang apat pang natitira. Kumabog ang kanyang dibdib at dali-dali pero maingat na pinaandar ang sasakyan. Nakita niyang lumingon sa direksiyon niya ang lalaki. Lalo pa niyang nakita ang mga matang iyon. May ilang pagkakataon sa buhay niya na nakikita niya ang mga mata nitong walang buhay sa kanyang panaginip.  Sigurado siyang hindi siya nakita nito dahil tinted ang salamin ng sasakyan niya. Hindi naman siya nilingon nito no’ng wala pa siya sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin lumuwag ang kanyang pakiramdam kahit nang makalayo na siya sa paradahang iyon. Umagos ang pawis sa mukha niya at nangingining ang mga kamay at binti. Nahihirapan din siyang huminga at malakas pa rin ang tibok ng puso. Hindi sumagi sa isip ni Vincent ang posibleng kapahamakan ng kanyang pamilya. Kilala niya ang taong ito na nakontratang patayin sila. Hindi nito idadamay ang inosente, ayon na rin sa kapitan. Siya ang pakay nito. Hindi siya dapat mag-alala para sa pamilya niya. Dapat siyang mag-alala sa sarili niya… at sa mga natitira pa niyang kaibigan. Nang makauwi, agad siyang lumabas ng sasakyan at pumuwesto sa harap ng pinto ng bahay. Dinukot niya sa bulsa ang susi at binuksan ang pinto. Hindi na niya nabitbit ang biniling printer sa pagmamadali. Sinigurado niyang nakakandado maigi ang pinto. Tinabing niya ang kurtina ng bintana para hindi sila makita sa loob. Tahimik niya itong ginawa ang kanyang pagpasok dahil tulog na ang asawa at dalawang anak. Kung matagal na siyang minamanmanan ng lalaking ito, wala nang silbi ang pagtatago niya. Alam na nito kung nasa’n siya. Sana nga lang ay hindi ganoon ang sitwasyon.  Pumunta siya sa opisina niya katabi ng kuwarto nilang mag-asawa. Puno ito ng mga estante na pinaglalagyan ng koleksiyon niya ng mga nobela at mga gamit sa pagguhit. May drawer din na puno ng mga dokumento sa eskuwelahang pinagta-trabahuhan niya. Karamihan sa mga ito ay output ng mga estudyante niya. Binuksan niya ang Laptop na nakapatong sa mesa at pinindot ang power button. Nang bumukas ito, binuksan niya agad ang google chrome saka pumunta sa Facebook para hanapin ang mga contact information ng mga kaibigan niya. May ilang pagkakataon din na sine-search niya sa google ang mga pangalan nito para makakuha ng detalye dahil ilan sa mga ito ay sikat sa kanilang gawa gaya ni Louis na may malaking negosyo at si Ricky na nagde-develop ng mga mobile games. Inaasahan na niyang aabutin na ng mga oras ang paghahanap niya sa mga impormasiyon na kailangan. Nagbukas siya ng isang blangkong dokumento sa Microsoft Word at doon tinype ang mga nakuha niyang impormasiyon tungkol sa mga kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook