bc

Celestial Queen

book_age16+
321
FOLLOW
1K
READ
adventure
warrior
royalty/noble
kicking
female lead
mage
non-hunman lead
magical world
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

CELESTIAL WARRIOR BOOK II

Sa pagpapatuloy ng yugto ng buhay ni Lala kung saan isa na siyang ganap na Reyna. Pinagpatuloy niya ang mga sinimulang pagbabago ng kan'yang ama at mas pinaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan sa kanilang mundo.

Sa nalalapit na araw ng muling pagsisimula ng paligsahan ay roon nagkasunod-sunod ang mga problemang kan'yang kahaharapin. Hindi ang paligsahan ang puntirya nitong sabutahihin, ang pakay nito ay mundo nila mismo ang wasakin.

Sa pamamagitan ng pagsira ng balanse ng kalikasan. Maraming hayop ang namatay, mga pananim na natuyo at nagdulot ng kagutuman. Ang pinakamalaking ilog ay nagkulay dugo na siyang naglason sa mga isda't hayop at magbibigay sakit sa mga mamamayan.

Sa paglitaw ng Celestial na balak wasakin ang kanilang mundo, isang uri ng mga nilalang na mas piniling manirahan sa kailaliman ng tubig ang sa kanila rin ay magpapakita.

Hindi upang magbigay ng tulong, kundi humingi ng tulong sa mga Celestial na nasa lupa.

Sino kayang Celestial ang magbabalak wasakin ang mundo? Anong mga nilalang ay muling lilitaw at anong tulong ang kanilang kailangan?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Camilla's Point of View Kasalukuyan kong binabasa ang mga tala na iniwan nila Raven galing sa pag-aaral nila sa mga di maipaliwanag na pagkamatay ng mga hayop sa mga kagubatan nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto ng malaking librarya kung saan naging silid at opisina ko na simula nang nakoronahan ako bilang Reyna, ito rin ang naging opisina ng aking ama nang siya ang hari. Kahit may iba pa namang silid na mas kaaya-aya kesa rito ang kaniyang pamalagian ngunit mas pinili niya ang napapalibutan ng mga libro upang siya'y makapagbasa't makapag-aral. "Mahal na Reyna!!" malakas na sigaw ng isang kawaksi sa palasyo at humahangos itong lumapit sa akin. "Anong nangyari sa iyo?" tanong ko naman rito nang makalapit siya sa akin. Habol ang paghinga at tagatak ang pawis ng maliit na babae. Isa siya sa mga kawaksing sa hardin nakatokang magtrabaho. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang tinakbo't kung gaano kabilis niyang ginawa mula sa pinanggalingan hanggang dito upang hingalin siya ng sobra at pagpawisan ng ganito. "M-may mga tao pong g-gusto kayong makausap at nagpupumilit na pumasok po rito sa palasyo. Nagkakagulo na po sila sa labas ngayon," natatarantang tugon niya sa aking katanungan. Takang tinignan ko siya dahil wala naman akong naririnig na ingay mula sa silid na kinalalagyan ko dahil kung may nagkakagulo nga sa labas ay tiyak na may kasamang pagsigaw o anumang ingay na masasabi ng sinuman na meron ngang kaguluhan. "Nasaan si Raven?" tanong ko na lamang at sabay ring naalala na kararating nga lamang pala nito galing sa kanilang misyon ni Tatay Eros. "Nagpapahinga na po sa kanyang silid kamahalan," sagot ng kawaksi na mukhang alam ang lahat ng sagot sa aking mga katanungan. "Hayaan mo na, ako na lang ang kakausap sa kanila." wika ko at nagmadaling lumabas upang makita ang nangyayari at alamin na rin ang dahilan ng kanilang biglaang pagparito. Napatakbong sumunod sa akin ang kawaksi dahil sa bilis ng aking lakad. Ano ba naman ang laban ng maiikli niyang biyas sa akin na kay hahaba. Dinig ko na ang mga sigaw at pagtawag ng mga sinabi niyang nagkakagulo nang malapit na kami sa tarangkahan at nang makarating na'y doon ko nakita ang mga Celestial na nasa labas at pilit na itinutulak ang bakal na tarangkahan upang sila'y makapasok. Napakarami nga nila. Nakapalibot ang mga kawal at nakaharang sa kanilang mga daraanan dahil ang ilan ay gumagamit na ng kanilang mga kapangyarihan upang matibag ang tarangkahang bakal. Agad akong sinalubong ng isang kawal at sinabihang hindi ako dapat na nagpunta roon, ngunit paanong hindi ko pupunta kung hinahanap ako ng mga kauri kong nais manghingi ng tulong. Ang kawaksing aking kasama ay isa rin sa mga maralitang kagaya nila na naglakas-loob na puntahan ako. Mabuti na lamang at ginawa na iyon dahil kung hindi ay hindi ko malalaman. Nanggaling pa sila sa malayong lugar at nais raw nila akong makausap nang personal upang hingahan ng kanilang mga suliranin ngayon sa kani-kanilang mga lugar. Mga Celestial na pagsasaka at paghahayupan ang ikinabubuhay, na ngayon ay nagugutuman na dahil sa di pa malamang dahilan na pagkamatay ng mga alaga nilang hayop at pagtuyo ng mga sakahan. Sumubok na sila ng mga paraan para maisalba ang mga hayop at panatilihing basa ang mga lupa ngunit bigo pa rin silang isalba ang noon ay matatabang mga bukirin. "Sino ba ang pwede kong makausap sa kanila?" tanong ko sa kawaksi at agad naman itong lumingon sa paligid upang hanapin ang kanyang tiyuhin na kasama sa mga naroroon. Tinawag niya ito at sinabihan ang mga kawal na papasukin ito. Paglapit ay nagpasalamat siya agad sa kawaksi. "Patawad kamahalan sa aming biglaang pagsugod dito sa palasyon. Hindi na po namin kaya ang nangyayari kaya po nagpasya kami na dumulog na po rito ng personal. Lahat po kaming naririto ay may kanya-kanyang hinaing na nais idulog ngunit ang may isa po na pareho lang sa lahat," mabilis nitong sinabi, na animo'y ayaw mag-aksaya na kahit katiting na segundo. Nabawasan ang ingay nang hayaan ng mga kawal na lumapit sa akin ang isa sa kanila. Alam kasi nilang sa pamamagitan ng isa ay magkakaroon na sila ng tagapagsalita at kakatawan sa lahat. Sa tantiya ko ay mahigit labinlima silang lahat at karamihan ay mga kalalakihan, mga haligi ng tahanan na namomroblema sa ipapakain sa kanilang mga anak. Akma na akong sasagot sa aking harapan ngunit naudlot nang may isang dumating at pumigil sa aking pagsasalita. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito at bahagya akong hinila palayo dahil ang mga nais pang makalapit at kausapin ako'y nag-uumpisa nanamang kumilos at pilit binubuksan ang tarangkaran. "At bakit ka rin nandito? Dapat nagpapahinga ka na," balik kong tanong ng makitang si Raven iyon at kitang-kita sa mukha niya ang pagod at ilang gabing walang mainam na tulog. "Paano ako matutulog kong may trabaho pa akong dapat ayusin dito sa labas," sagot niya ng mahinahon at hinarap ang lalaking aking pinapasok. "Bumalik ka na sa ginagawa mo ako na aayos nito," utos niya at dama ko ang pag-aalala. "Kung ikaw kaya ang umalis dito at ako na ang aayos? Mas kailangan mo ng pahinga," pagtutol ko at humakbang paharap upang lapitan ang mga nagkakagulo. "Puro ka sagot. Alam mo ba dapat isagot sa kanila? Hindi mo pa nga yata nababasa ang mga ulat na dala namin," nakakunot ng noo niya nang bumaling sa akin. Hindi ko pa nga nabasa lahat pero nakakaawa naman itsura niya halatang pagod at kulang sa tulog para iwan ko't hayaan na lamang dito sa labas. Ilang taon na rin ang lumipas at hindi na kami kagaya ng dati na bangayan dito bangayan doon. Aminado ako na masungit pa din siya pero kumpara noon ay masasabi kong kilalang-kilala ko na siya ngayon at alam ko na ang totoong siya't walang maskarang suot. Mistulang nagalit siya sa kawaksing naroon nang malaman niya sa isang kawal na ito ang nagpaalam sa akin ng kaguluhan sa labas na halos di naririnig sa lugar kung nasaan ako kanina. Naiwan na lamang akong nakatayo di kalayuan sa mga nagkakagulo. Gusto kong lumapit at marinig pa ang mga nais sabihin sa akin ng mga naroon ngunit huwaf raw akong lumapit anang isang kawal Na inutusa ni Raven na siguruhing babalik na ako sa loob. Lumingon pa siya at tumingin direkta sa mga mata ko, sumenyas pa na umalis na ako at binigyan ako ng isang ngiti na parang nagsasabi na huwag akong mag-alala't aayusin niya ang gulo sa labas kahit kita ko sa kanyang mga matang malamlam mata ang labis na kapaguran. Nginitian ko na lang siya at nagsimula ng maglakad pabalik sa silid-aklatan. May tiwala naman akong maayos niya iyon ngunit dala ko ang pag-aalala na baka siya naman ang magkaproblema kung hahayaan niya ang sarili niya. Hinatid ako ng kawal at bago siya bumalik ay sinabihan ko siya na tawagin ako kung kinakailangan. Kahit alam kong hindi aalis si Raven doon hanggat hindi na reresolba ang lahat. Ilan lamang ito sa nga nagaganap araw-araw sa palasyo simula ng naging Reyna ako. Mga iba't- ibang hinaing mula sa mga mamamayan na bigla na lamang dumarating. Naatas ako ng isang grupo na siyang magiging tenga ng mga mamamayan at magsasabi naman kay Raven at nagpaparating sa'kin. Kagaya ng sa kabilang mundo ay mayroon ring mga nahuhuling mga kriminal rito. Mga magnanakaw, gumawa na kahalayan, pumatay at mga simpleng problem kagaya ng pakikipagaway sa kapwa Celestial. Maiisip niyo bang may mga adik din dito? Hindi diba? Pero meron. Gamit ang mga halaman at ibang mga sangkap ay nakakagawa sila ng gamot na sisinghutin nila at saka sila tatamaan gaya ng epekto ng mga droga sa mundo ng mga tao. Nawawala rin sila sa sarili at kadalasan ay nakagagawa ng mga bagay na mag-uudyok sa mga kawal na ikulong sila. Marami na akong mga bagay na natuklasan a mundong ito na hindi ko akalaing mayroon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga librong naroon na halos wala namang nagtatakang buklatin mula ng napunta roon. Ginagawa ko lamang kapag may bakanteng oras dahil kailangan din daw iyon upang madagdagan ang mga kaalaman ko sa mundong aking sinilangan. Ngunit wala ng oras pa ngayon upang magbuklat ng mga pahina. Ang madalas kong binabasa ay mga kalatas na may lamang mga ulat mula sa mga kawal na pinadala sa kani-kanilang mga misyon sa iba't-ibang parte ng magkaibang mundo. Nasa kalagitnaan ako nagpagbabasa nang bumukas ang pinto at lumitaw sa aking harapan si Raven. Naayos na raw niya ang problema sa labas at payapang umalis ang naroon. "Salamat naman," usal ko at siya'y nginitian. Akala ko'y lalabas na siya ng silid ngunit nanatili lang siyang nakatayo sa iisang lugar. Bumalik ako sa pagbabasa matapos marinig ang ulat niya. Nakayoko't nakatingin sa mga letra ngunit ramdam ko ang mga mata niyang sa'kin nakatitig. Inangat ko ang aking ulo at tama nga ako, sa akin siya nakatitig. Tingin na hindi ko maipaliwanag dahilan upang mautal ako sa pagsasalita nang tanungin ko siya kung may kailangan pa ba siya. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Wala naman. Parang na-miss kasi kita e," sagot niya nang walang pag-aalinlangan. Awtomatikong nag-init ang magkabilang tenga ko at alam kong namula na rin ang kulay ng mukha ko dahil umakyat bigla ang dugo ko paakyat sa aking ulo. Bagay na nangyayari lamang kapag labis akong naiilang. Hindi ko alam kong paano tatakasan ang nakakailang na eksenang iyon kaya mabilis akong nag-isip ng isang biro upang malihis ang paksa. "Nag-aadik ka na ba?" kunot-noo kong tanong sabay tawa ng malakas. Napansin ko ang mabilis na pagseryoso ng mukha niya at muli akong bumanat. "Huwag mong sabihing oo dahil ipapahuli kita at ipapakulong," pagbabanta ko. "Mukha ba akong suminghot ng usok ng damo?" naiirita niyang tanong. Sumeryoso ako at pinagmasdan siya, kunyaring inieksamin. "Oo mukhang humithit ka. Ang pula-pula ng mga mata mo. Ang laki ng eyebags mo," sagot ko ng may bahid ng panlalait. Alam ko namang hindi totoo. Kulang lang siya sa tulog at pahinga kaya ganoon ang itsura niya. "Alam mo, mas mabuti pang magpahinga ka na. Hindi kita kayang buhatin kapag dito ka pa nawalan ng malay," utos ko at alam kong naramdaman niya ang sinseridad sa boses ko. "Lakad na. Gusto mo ihatid pa kita?" madali ko sa kaniya. "Tara, hatid mo ako. Patulugin mo na din ako, 'yung parang baby," yaya naman niya sa'kin. Hindi ko alam kung matatawa o ano. Para siyang batang antok na antok. "Kaya mo na yan. Lakad na," muli kong utos. Bumalik ako sa ginagawa at hinayaan na siya pero hindi pa rin ito umalis. "Hindi mo ba ako na-miss?" makakagimbal niyang tanong. Ako naman ang natulala ngayon. "Oo o oo?" "Hindi mo talaga ako binigyan ng pagpipilian." Pagrereklamo ko. "Sagot na kasi at aalis na ako," pangungulit niya. "O." "Anong o? O lang hindi oo?" "Oo." Ngumiti siya ng napakalapad at biglang lumabas ng silid. Saka ko lang napagtanto ang dahilan. Nautakan pala ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.2K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
34.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
235.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook