bc

Shemaiah Gem Yarbrough: Heiress

book_age16+
53
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
werewolves
vampire
superpower
supernatural
special ability
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Shemaiah Gem Yarbrough a dangerous werewolf born with extraordinary abilities who will be trained to be the heiress of their clan and pressured by all the Alphas to become the strongest Luna ever. While the vampire clan is preventing her from becoming a full-fledged heir to break the rule of Acsher in the world.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakakapanibago ang araw na ito. Hindi ko lubos maisip na ang isang hamak na tulad ko ay may nakakakilabot na nakaraan. Nagsimula ang lahat nitong mga nakaraang araw. Hindi ako pinapatulog ng isiping ito. Nagbago ang lahat matapos kong malaman ang lahat ng ito. Pero sa kabila nito pawang ‘di ako masaya. Hindi ba dapat maging masaya ako dahil nalaman ko na ang mundong pinagmulan ko? Natatakot ako na baka ‘di ko kayanin. Pasaning may kaakibat na responsibilidad. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa kahinaan ko. Sa unang tingin masasabi mong malakas ako, ngunit taliwas naman ito sa nararamdaman ko. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Marami akong pinagsisihan matapos kong malaman ang lahat. Dapat bang hindi ko na lang natuklasan o tadhana na talaga ito at hindi na maaari pang takasan? Marami ang umaasa sa akin. Marami ang nagtitiwala. Kaya naman kailangan kong subukan. Para sa kanila, para sa aking pamilya. “Mahal na hera kailangan na nating bumalik! Hindi na ligtas sa lugar na ito!” sigaw ng pamilyar na boses sa likuran ko dahilan para bumalik ako sa aking katinuan. Kung ako nga ang Hera, bakit bakas sa kan'yang mukha ang takot at pangamba? Ano nga ba ang kayang gawin ng isang Hera? Hanggang saan ang kaya n'yang gawin para sa mga taong siya lang ang inaasahan? Ano nga ba ang kaya kong gawin? Hanggang saan ang limitasyon ng aking kakayahan? Hi! I'm Shemaiah Gem Yarbrough, 17 years old. Anak ni Daisy Yarbrough na isa sa pinakamayamang businesswomen sa Pilipinas. ------------ Shemaiah's PoV Sa malamig na simoy ng hangin sa gabi ring iyon, isang kaluskos ang aking narinig mula sa bintanang nakalimutan kong isara. Bumangon ako para tingnan at sumilip sa labas at siya namang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha. “Hays,” buntong-hininga ko. Sino ba naman kasi matinong tao manti-trip nang ganitong oras, kaloka parang ‘di love ng mama niya eh. Ngunit wala akong nakitang dahilan ng kaluskos na iyon. Saan 'yon galing? Baka may epal na naman. Kaya agad kong sinara at bumalik na lang sa pagtulog. Sa kalagitnaan ng himbing kong tulog sa gabi ring iyon, isang liwanag ang sumisilaw sa aking mga mata. Pilit kong inaaninag upang makita ko nang malinaw ang mga nangyayari. My gosh ah! Why naman kasi ganitong oras pa talaga like p'wede naman siguro bukas mga 'te. May naririnig akong dalawang taong nag-uusap ngunit hindi ko gaanong maintindihan dahil napakalayo nila sa akin. Hindi ko rin sila makilala dahil sa tindi ng liwanag na ‘di ko alam kung saan nagmula. Hanggang isang alingawngaw ng lalaki ang narinig ko sa ‘di kalayuan at kasunod no’n ay isang malakas na pagsabog. Wait… Nasa’n ako? This is not my room… Nananaginip na naman ba ako? Hindi ko alam kung nasaan ako at ‘di ko alam kung ano-ano ang mga ginagawa nila. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko kahit sumigaw pa ako. Alam ko na ‘to, ganito ‘pag nananaginip ako Isang malakas na iyak ng bata ang narinig ko at kaagad na bumaling doon ang atensyon ko, iniikot ko ang tingin sa buong paligid pero bigo akong makita ito. Isa na namang malakas na pagsabog ang nakaagaw sa atensyon ko. Sobrang lakas at tuloy-tuloy ito. Natatakot na ako dahil dinig na ito kung nasaan ako. Mas lalo akong ‘di makapag-isip kung ano ang gagawin nang marinig kong papalapit iyon sa kinaroroonan namin. Mommyyyy ! Huhu nasaan ba kayo? Hindi pa rin nawawala ang iyak ng sanggol na sa tingin ko ay kakasilang pa lang, gayundin ang mga sigawan at pagsabog na naririnig ko. Mas lalong tumindi pa ang iyak ng sanggol. Gusto ko mang hanapin at tulungan ka ngunit 'di ko magawang makagalaw at makapagsalita. I’m really sorry baby, kung p'wede lang ay kanina pa kita sinamahan… Napatingin akong muli sa lalaki at babae na nasa harapan ko, umiiyak ang babae na pilit pinapatahan ng lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae at may sinabi ito rito pero 'di ko maintindihan. Akmang bibitawan na ito ng lalaki ay pilit niya itong hinihila pabalik, mahigpit ang pagkakakapit n'ya rito na para bang ayaw n’yang pakawalan ang lalaki, maya-maya pa ay niyakap ng lalaki ang babae hanggang sa isang iglap naglaho ang lalaki. Humagulgol ang babae dahil halos ‘di na n'ya alam ang gagawin. Ilang sandali pa ay halos wasakin na ng pagsabog ang buong lugar. Bigla kong naramdaman ang mainit na bisig ng babae na tila ba pinu-protektahan ako mula sa pagsabog. Unti-unting nagtutumbahan ang mga kawayan na nagsisilbing haligi at pundas'yon ng bahay dahilan para mapayakap nang mahigpit ang babae sa 'kin at sinisuguradong ‘di ako matatamaan ng kahit na ano mula sa nasisirang bahay. Siya ang sumalo ng lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko basta ‘di ko na lang namamalayan na... umiiyak na pala ako. Bakit? Bakit niya ‘to ginagawa? Hindi ko siya kilala pero halos gawin niya lahat para lang maprotektahan kami. Teka.. ang sanggol.. Nasaan s’ya? Gusto ko siyang hanapin, gusto ko siyang tulungan, gusto kong isipin na nasa maayos siyang lagay ngayon. Pero.. Pero wala akong magawa. Hindi kaya patay na siya? H-hindi, hindi maaari. Panaginip lang ito! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa sanggol na ‘yon. “Dionne?” sambit ng babaeng nasa harapan ko. Kasabay ng paghaplos n’ya sa aking pisngi. “Dionne? Anak ko, ayos ka lang ba?” nanginginig ang boses nito at sinusuri ang buong katawan ko. T-teka.. ano raw? Dionne? Sino ‘yon? Bakit sa akin s’ya nakatingin. Nasaan ang sanggol? “Dionnee…” sigaw ng babae. “Babalikan kita anak ko, pangako,” Kasabay nito ang unti-unting paglaho ng babae na makikita mong kulay gintong asul ang mga mata at tuluyan nang naglaho ang imahe niya. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata kasabay ng unti-unting pagdilim ng paligid… bumibigat din ang talukap ng aking mga mata. --------- Nagising akong tagaktak ang pawis at kumakabog ang dibdib, may luha rin sa aking mga mata. Bakit parang totoo? Bakit lagi na lang gano’n ang laman ng panaginip ko? Jusme ah, naloloka na ‘ata ako. Nang iharap ko ang sarili ko sa salamin ay siya namang gulat ko na halos mapasigaw ako at mahulog sa kinahihigaan ko nang makita ko ang repleksiyon ng isang lalaki sa bintana, nilingon ko ito at umayos ng higa. “Nanaginip ka na naman ‘no?” tanong niya na prenteng nakaupo sa bintana at nakapatong ang isang paa kung saan ang kaniyang isang kamay ay nasa baba at nakatukod sa tuhod niya. “Gavin!” bulalas ko, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba na inaakalang ibang tao ang naroon. Pa'no ba naman duh! K'warto ko kaya ito, at isa pa babae ako. Kapal talaga ng mokong na ‘to. Ang aga-agang mangbulabog. “Ano na namang bang ginagawa mo riyan?” kunot-noo kong tanong sa kaniya at nginisihan lang ako. Loko talaga. Saka ko lang napansin kung ano nga ba ang itsura ko. My gosh! Kasi naman ‘di pa nga ako nakakapaghilamos huhu. “Kanina ka pa ba riyan?” Nahihiyang inayos ko ang gusot na damit ko at magulo kong buhok at sabay umiwas ng tingin sa kan'ya. “Naiwan mong bukas ang bintana kaya naman hinintay na lang kitang magising,” Napatingin ako sa kaniya at napatulala. Grabe talaga ‘tong nilalang na ‘to ubod ng g'wapo. Ay ano ba! Shem umayos ka nga. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Pero hindi wala! Aba! kahit na. ‘Di pa rin tama palagi niya na lang akong iniistorbo, nakakahiya na ah hmmp. Bumuntong-hininga ako at sinamaan siya ng tingin. “Hoy lalaki niloloko mo ba ako ha? Sinarado ko ‘yang mabuti kagabi,” Binato ko siya ng unan. “Aray naman!” Napangisi ako dahil hindi niya inaasahan na ‘di gaanong malambot ang unan na ‘yon gaya sa kanila. ‘Yong unan ko kasi na ‘yon ay dalawang unan ang katumbas kasi mas bet ko na solid para malaki nayayakap ko hehe. Binato ko siya ng isang pa at tinamaan nga siya sa mukha at nahulog sa bintana. “Aray ano bang klaseng unan ‘yan!” reklamo niya sa baba. Bumangon ako at sinilip siya, ‘di nga ako nagkamali at nakahiga siya sa damuhan, napangiti na lang ako bigla. “Tsk bagay lang sa 'yo 'yan kasi sinisilipan mo lang ako eh, manigas ka riyan!” Kunwari pang galit ang tono ko at agad na sinarado ang bintana bago pa siya tuluyang makatayo at makapagsalita. Asa siya! Porket g'wapo siya. Kinuha ko ang paborito kong towel at marahang pinunas ang pawis na kanina pa tumatagaktak. “Kung sino ka man Dionne, patahimikin mo na ako. Sorry pero I can't help you,” bulong ko sa hangin. Palaisipan talaga sa 'kin kung bakit ako pa ang nakakaranas at paulit-ulit na nakakapanaginip no’n. Hindi kaya may kinalaman ito sa nakaraan ng aming pamilya pero wala namang nakuk’wento ang mommy at lola ko sa akin o baka naman may tinatago sila sa 'kin. Impusible naman, marahil ay dahil lang ito sa pagod ko kahapon gawa ng mga activities sa school. Busy kasi ako kakagawa ng mga assignments, ang dami kasi binigay sa amin noong nakaraan. Siguro nga… dahil sa pagod na naman. Halos kaka-start lang ng pasukan pero sandamakmak na agad ang mga given task. Hindi na bago sa akin ang panaginip na ‘yon. Pero ‘di ko pa rin maiwasang matakot. Kakaiba talaga sa pakiramdam. Halo-halong emosyon pero madalas namamalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Hanggang sa makatulog na lang ulit ako na may mga luha sa mata. Simula bata pa lang ako bitbit ko na ang panaginip na ‘yon. Ewan ko ba halos makabisado ko na nga eh. Ayaw ako tantanan my gad! Noong una natatakot ako pero kalauna’y hinayaan ko na lang at nasanay na lang din. Ibinagsak kong muli ang katawan ko sa kamang hinihigaan ko… Ang lambot.. ang sarap humiga. Sandali kong nakalimutan ang isiping ‘yon dahil sa lambot ng kama ko. Napatitig naman ako sa kisame ng k'warto ko na puro stickers ng BTS. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. “Hays,” Napabuntong-hininga na lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook