Alas otso nang umaga ng umalis kami sa mansion. Hindi naman daw kailangan mag pa appointment dahil ando'n naman daw ang Ninong Gabriel ko na dating ka banda ni mommy. May kabanda pala ang Mommy noon? Nalaman ko din na Vocalist si Mommy sa Star University kung saan kami nag- aral noon. Hindi ko din aakalain na mag kakaibigan silang lahat, at naging mag kakapatid dahil kay Papa. Iba iba ang Mommy nila pero iisa ang Daddy nila. Sobrang liit ng mundo, mag kakaibigan sila noon pero hindi nila alam na mag kakapatid sila. Kaya siguro maaga loob nila sa isa't isa dahil doon. Nakakahanga ang pag kakaibigan nila hanggang ngayon. Hindi pa rin sila nag hihiwalay. Gusto ko din gano'n kaming lahat. Ngayong papunta na kami sa hospital. Kasama namin si Lander at Daddy ng pumunta kami hospital