Nasa ganoong posisyon si Bea sa dibdib ni Liam nang may kumatok sa pinto. “Sir? Sir Liam are you there?” Tanong ng kumatok. Walang nagawa si Liam kundi kumalas sa pagkakayakap ni Bea. Lumapit siya sa pinto at bahagya itong binuksan. “Yes.” Nakita ni Liam ang glam team. “Malapit na po kayo, Sir. Mag-retouch na po tayo?” “Sure.” Pagkatapos ay binuksan na niya nang tuluyan ang pinto at pinapasok ang glam team. Si Bea naman ay naging abala sa pagtingin sa mga naka-hanger na damit at hindi nagpahalatang may nangyari. Pumipili na din ng susuotin ni Liam. Ramdam pa din ni Liam na tensed si Bea habang isinusuot dito ang long sleeves niya. Nang ayusin ni Bea ang butones ay agad nang hinawakan ni Liam ang kamay ni Bea. “Let me do it.” Bulong ni Liam kay Bea sabay pisil sa kamay niya. Halata