bc

The Hot Possessive Lawyer (Complete Series #3)

book_age18+
8.7K
FOLLOW
46.2K
READ
dark
drama
comedy
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Ayana is a mistake for her mom. Laging pina mumukha sa kanya lahat lahat ng mommy n'ya. She was hurt but for her? That's okay. She loves her. Sila nalang. Everytime na nalalaman ng mommy n'ya na nag ka kaboyfriend s'ya, sinisiraan sya nito. Then David Aragon came. She's scared. Takot maiwan, takot bumalik nanaman sa umpisa.

What will happen to them if malaman ni David ang buhay n'ya?

chap-preview
Free preview
DAVID ARAGON
This is the fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, Display, or create deribative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain my permission. -- "Akala mo ba kung malalaman nyang anak ka nya tatanggapin ka nya?" Napahinto sya sa pag lalakad dahil sa narinig nya. Tumingin sya sa babaeng 'yon at matapang syang lumapit dito. "Bakit? Sino ba sya?" matigas na tanong nya. "Sino ba ang lalakeng sumira ng buhay mo?" dugtong nya pa. Napangiti sya sa loob loob nya dahil sa nakita nyang nag ngingit ngit ito sa galit. Ngumiti sya dito at mabilis na inirapan. "Ni hindi mo nga mabanggit ang pangalan ng lalakeng sumira ng buhay mo." Inirapan nya to at mabilis na tumalikod. Sa pag pasok nya sa kwarto nya ay biglang nang hina ang buong katawan nya. Dahan dahan tumulo ang luha nya dahil sa sakit. Nanginginig ang balikat nya habang walang sawa sa pag iyak. Lumaki ng kulang sa pag mamahal, sarili nyang ina hindi sya matanggap. Mga pamilya ng ina nya hindi sya matanggap dahil isa syang anak ng kabit at isang pag kakamaling pinag sisihan ng lahat. Walang tatanggap sa kanya bukod sa mga kaibigan nyang alam ang totoong buhay nya. Kahit mga lalakeng nag tangkang manligaw sa kanya pag nalaman ang totoong buhay nya ay iiwan nalang sya bigla bigla. She's 24 years old, her life is still miserable. Swerte nalang sya dahil may mga kaibigan syang nag mamahal sa kanya at walang sawang umaantabay sa kanya. Sa araw araw nalang nag papanggap sya ng masaya kahit hindi naman. Umaakto sya na parang ang ganda ganda ng buhay nya kahit ang totoo naman ay hindi. - "Hooy, babae ka!"  "Oh bakit lalake?" napairap ito sa kanya. "Buti nga dinadalawa ka di---" "At kaya lang naman ikaw dadalaw dito pag di mo na kokontak si Gabriella! Wag kang ano ayan! Hirap maging option jusko!" natawa sya sa kaibigan nya dahil don. "Bakit? Option ka parin ba ng boyfriend mo hanggang ngayon?Ano pan---" "Tangina mo talagang babae ka!" natawa sya dito at mabilis na tumayo.  "Pag ikaw kinasal wala kang discount dito sa wedding botique ko! Mamahalan kita!" "Hindi na ko ikakasal, Mel! Manahimik ka nalang dyan!"  Mabilis syang lumabas ng botique na 'yon at sumakay sa kulay pula nyang kotse na galing sa dugo't at pawis nya. Sabay non ang pag vibrate ng cellphone nya at mabilis nyang sinagot ang tawag nito. "Hi this is Ayana maganda na sexy p---" "Ano nanaman bang kasinungalingan yan Ayana?" napahigikgik sya. "Hindi naman kita tatawagan kung wala akong importanteng sasabihin." "Ano ba 'yon?" normal na tanong nya. "Baklaaaaaaa! May Tv commercial ka na! Wooaaaah!" Nanlaki ang mata nya binalita sa kanya ng manager nya! "Oh Em Gi!"  "Kaya tara na dito baklaaaaaa! Dahil pipirma ka ng konrata!" Mabilis nyang pinaadar ang kanyang kotse papunta sa Agency nila! Hindi nya matantya kung gaano sya kasaya ngayong araw! Unti unti na nya nababayaran ang bahay na tinitirahan ngayon nilang mag ina! Dahil wala naman tumutulong sa kanila kundi sya lang. Dahil nong nag aaral sya ay sinasabay nya ang pag tra trabaho nya para lang makapag tapos sya. At wala pa silang matirahan ng maayos dahil kada tatlong buwan ay pinaalis sila sa inuupahan nila at ang kanyang mommy naman ay sa kanya binubunton lahat ng galit. Kahit ganon sa kanya ang mommy nya ay mahal na mahal nya 'to. Naawa din sya dito dahil sa ginawa ng sarili nitong magulang sa kanya. Pinalayas ito at wala man mapuntahan pero pinili parin nitong buhayin sya. Hinding hindi sya papayag na mag hirap ang mommy nya. Kahit di sila nag kakasundo, masaya sya dahil may mommy pa sya. Nang makarating sya sa Agency nila ay sinalubong agad sya ng bakla nyang manager na naging kaibigan nya pero walang alam sa totoong buhay nya. "Baklaaaaaaaaaaa! Wow naman baklaaaaaaaaa!" Nag tatalon silang dalawa.  "GAGA KA! ASAN NA?!!" natawa sila pareho. "Gaga asa loob! Nakita daw kasi ang mga cover magazine mo! At lalo kang sisikat pag kinuha ka nila!" "Woooaaah! Bakla, super happy ako!!"  Hawak kamay silang pumasok sa loob ng isang pintuan na ang sisilbing opisina ng manager nya at Dressing room nya! Pumasok sya don ng may ngiti at umupo agad. "Magandang araw po sa inyong lahat." ang lapad ng ngiti nya sa mga ito. "Totoo nga sabi ng batang 'yon. Maganda ka."  Ngumiti sya ng malapad sa mga ito. "Sino po?" magalang na tanong nya. "Hintayin nalang natin ang apo ko, Ija. Alam mo bang matagal na nya akong pinipilit na ikaw ang kunin na Ambasador ng kompanya namin?"  "Talaga po?"  Kung sino man 'yon. Nag papasalamat sya ng sobra sobra dito. "Oo naman. Pinakita nya sakin lahat ng magazine mo at saka ko napansin na bagay na bagay ka nga sa kompanya ko."  Nag tinginan sila ng manager nya na sobrang lapad ng ngiti. Ang kaharap nilang babae ay nasa 70's na pero kung titignan mo ay nasa 50's palang ito. Sobrang maalaga ito sa balat kaya siguro ganon. "Oh ayan na pala ang apo ko!" Mabilis syang lumingon don at unti unti nawala ang ngiti sa labi nya dahil sa lalakeng pumasok sa loob ng opisina. Gusto nya na sana mag pasalamat ng sobra sobra dito pero ng nalaman nya ang lalakeng 'yun ay parang gusto nalang sya 'to sipa sipain. "Lola!" nakangiting bati nito. Palihim syang umirap at humarap sa matanda na may ngiti sa labi. Tumingin sya sa kaibigan nya na ngayon ay tulala kay David! Oo, si David! Gagong lalakeng 'to. Nakilala nya to dahil kay Gabriella sa bestfriend nya.  "Apo, di mo naman sinabi na ang ganda ganda pala nito." Ngumiti sya ng malapad sa matanda. "Sabi ko nga lola diba? Ayaw mong maniwala." Tumawa pa ito ng mahina. Tangna! "Diba ikaw si Attorny Aragon?"  "Yes?" mapang akit na sabi nito pero sya napairap lang sya. "AYANA! YOU'RE SO LUCKY! KITA MO NAMAN DIBA? HOT LAWYER ANG NAGAGANDAHAN SA'YO!" niyukom nya ang kamao nya at ngumiti lang. "Baka nga kaya pinipilit ka sakin ng apo ko ay type ka nya?" "Ayy di po! Saka si David po ay kabanda ng bestfriend ko." magalang na sabi nya. "Saka di naman kami close." "Ouch baby. How about our past? Di mo ba sasabihin sa kanila?" Mabilis nya tong sinamaan ng tingin. Pero biglang napalitan ng pilit na ngiti ang muka nya. "Our past?" he nodded. "Meron ba?" nakangiting tanong nya. "Yes. Remember Funtabella's Wedding? We had a se---" "DAMN!" Napatayo na sya ng mabilis. Pero di sya gumawa ng kahit anong hakbang. Oo Naalala nya lahat lahat. Nalala nya lahat lahat ng gabing 'yun. At ang gabing 'yun ay hinding hindi nya malilimutan. She fallen in love with him. That night, naramdaman nya kung gaano syang iningatan ni David. Ramdam na ramdam nya ang bawat haplos at halik nito sa kanya. Sobrang baba ng tingin nya sa sarili nya dahil sa mga ginawa nya at sa mga salitang binitawan sa kanya ng mommy nya, pero dahil lang sa isang gabing 'yun. Nag bago ang lahat. Pinaramdam nito kung gaano sya ka worth it. Hindi sya makapaniwala na may lalakeng mag papamramdam sa kanya ng ganon, tumibok ng mabilis ang puso nya. Hindi nya to naramdaman kay Fran, kay David lang. Sa sobrang takot nya lumayo sya at umiwas dito. At kaya ayaw na ayaw nya din 'to nakikita dahil natatakot syang mas lumalim ang nararamdaman nya dito. "Ayana, are you okay?" Napatingin sya sa manager nya slash kaibigan nya. "Y-yes."  "Apo! Ba't mo naman kasi nioopen ang topic na ganyan dito!" "Aww! Lola nam--- Oo na!" Tumingin sya dito at umayos to ng tayo. "Sorry." sincere na pag hingi ng tawad nito. "Pag pasensyahan mo na, Ayana. Hindi na ulit sasabihin 'yun ng apo ko."  "S-sige po." Bigla nalang sya nawalan ng gana sa lahat... Ang puso nya ay patuloy na tumitibok, pabilis ng pabilis. Lalo na't nararamdaman nya ang titig sa kanya ni David. Wala syang pinag sisihan ng gabing 'yun pero takot sya. Takot na takot syang masaktan at maiwan. ~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.0K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
316.0K
bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.4K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook