Halos isang linggo na. Halos isang linggo na nyang hindi nakikita si Red, hindi makatulog sa gabi. Tumutulo ang luha sa isang sulok. Parang ba...bumalik ang lahat. Alam nyang nalulungkot ang anak nya at nag papanggap itong masaya. Hindi ito nag tatanong kung nasan ang daddy nya pero sa tuwing may paparating lagi syang napapatingin sa pinto at umaasa na ang daddy nya ang makikita nya. Lagi nyang napapansin itong tulala at buti nalang halos araw araw dito ang mga pinsan nito at nakikipag laro. "Ayos ka lang ba?" Mabilis syang tumango sa mama nya. "Hindi ako mag tatanong kung ano problema mo pero nandito kami ng mga kapatid at daddy mo." Mabilis nyang sinubsob ang muka nya sa leeg nito at niyakap. Hindi nya mapigilan umiyak sa harapan nito. Hindi nya masabi ang probelam nya dahil natatako