"Oh? Ba't mugto ang mata mo?" Bungad agad sa kanya ni Arisy ng pumasok sya ng bandang tanghali. Iling lang ang sinagot n'ya at mabilis syang pumasok sa loob ng opisina. Napatingin sa kanya si Chance na busy sa pag babasa ng mga papel. "Chance.." Pinag silop nito ang dalawang kamay at humarap sakanya. "Babalik na ko sa buhay ko." nakita nya ang gulat sa mga mata nito pero ngumiti ito sa kanya. "Saang buhay? Dalawang buhay ang pipiliin? Live with your real father or your mom?" nanlaki ang mata nya sa sinabi nito. "W-What do you mean?" "Should i call you little sister?" Bumilis ang t***k ng puso n'ya sa sinabi nito. "H-Hindi ko maintindihan." "Bago ka bumalik sa buhay mo. May kailangan kang makausap na tao." Biglang bumukas ang pinto ng opisina nito at pumasok ang dalawang matalik n