Present Nanginginig ang balikat nya habang sunod sunod ang pag bagsak ng luha nya.Ganon din ang nang yayare sa anak nya na nakasubsob ang muka sa leeg nya. Nang malakabas sila ng elevator ay napatingin sa kanila ang mga katrabaho nila. Mabilis syang tumakbo palabas at pumara ng traysikel at di na nag aksaya ng panahon na sumakay don. "Tahan na Raj. H-hindi galit si mommy. Hindi galit." tumingin ito sa kanya at napasibi ito. "Bakit ka iiyak?" ngumiti sya dito at mabilis na pinunasan ang luha. "K-Kasi napaiyak kita. D-Diba sabi ko sayo pag umiyak ka? Maiiyak din si mommy?" mabilis itong tumango at pinunasan ang sariling luha. Niyakap nya ng mahigpit ang anak nya habang tahimik na umiiyak. Nanginginig ang balikat nya. Akala nya ayos na sya, akala nya lang pala. Masakit parin, sobrang sak