One

2519 Words
"GoodMorning, Ninang ganda!" "Ayy! Baby ko! Morning din inaanak kong ubod ng pogi!" napailing sya sa dalawa. Well, si Arisy lang naman nag turo sa anak nya ng mga ganyang bagay. Tawag eka sa kanya nito ay Ninang ganda dahil sya daw pinaka magandang Ninang sa lahat. At tinuruan nya din tong tawagin syang Mommy Ganda, minsan pag nag lalambing.  "Ninang, Ninang! Kahapon dami kong stars, diba mommy ganda?" Umupo sya sa desk nya at tumingin sa dalawa. "Totoo ba?" "Yes. Halos mapuno ang braso nya kaya naman hirap alisin." sagot nya dito. "Baka kinukuha mo lang pan tatak mo kay teacher tapos itatak mo sa'yo! Bad yun, Raj ah!" "Ay di po! Tanong mo pa kay teacher ganda!" sagot agad nito. Binuksan na nya ang laptop nya at sakto naman na may nag notif sa gilid. Binuksan nya 'yun  at nanlaki ang mata nya.  "Hala, Hala!" Umiiwas nga sya ng hindi sila mag kaharap pero bakit ganon? Na reschedule ang meeting ng mga ito at napapikit. "Mommy, are you okay?" tumingin sya sa anak nya. "Little buddy, diba love mo si mommy?" "Di lang love. Sobrang love po!" napangiti sya sa sinabi ng anak nya.  "May favor si mommy." "Ano yun mommy?" Pinalapit nya ang anak nya sa kanya at tumingin sa kanya si Arisy ng nag tataka. Binulungan n'ya ang anak nya pero mabilis ito tumanggi. "Mommy, bad po ang mag lie!" napanguso sya dito. "Hala! Tinuturuan mo ang anak mo mag lie!" napairap sya kay Arisy.  "Sige na baby. Mag la lie ka lang naman kasi for your mom's sake. Ayaw mo ba isave si mommy?" she pouted. "But mommy. It is bad, right?" napabuntong hininga sya. "GoodMorning." Napatingin sila sa bagong dating. "Morning, sir."  walang gana nyang bati. "Hi Little buddy, you're here." "Hi boss pogi!" masiglang bati ng anak nya sa boss nila na turo din ni Arisy dito. "May sasabihin ako sa'yo pero wag dito kasi maririnig ni mommy saka ni Ninang ganda. Sa loob tayo." Anak nya na mismo ang humila dito at napailing lang sya. Close ang anak nya kay Chance at bawat birthday nito ay lagi itong may regalo sa anak nya. Nagulat nga sya dito nung nangangailangan sya ng tulong bigla ito susulpot at hinire syang secretary kahit may secretary pa ito. Hindi naman sya tumanggi dito dahil desperada na sya mag karoon ng pera para sa matutuluyan nila ni Raj. Eto na mismo ang nadala sa kanila sa Aparmet at nag advance ng bayad. Hulog ng langit  si Chance para sa kanya. Akala nya may gusto ito sa kanya pero nag kamali sya dahil sa nalaman nya kahapon lang na may past pala ang dalawa.  Tapos ngayon, maayos na ang lahat. Sunod sunod ang blessings na dumating sa buhay nya. ~ TAWANG tawa si Chance habang hinihila sya ng kanyang pamangkin papasok sa opisina. Sya ang umupo sa harapan at eto naman ang umupo sa upuan nya. Hindi sya makapaniwala na naunahan sya ng mga kapatid nyang makapag asawa. He's 33 for petesake! Tapos ang mga kapatid nya may mga anak na tapos ang daddy nya may baby na pero sya? Damn! "Diba sabi mo boss pogi sabihin ko sa'yo sasabi ni mommy ganda sakin?" "Yes, Kiddo. Bakit may sinabi ba si mommy mo?" mabilis itong tumango sa kanya. "Sabi kasi ni mommy mag lie ako sa'yo sa August 14. Sabi nya panggap daw ako ng may sick ako para daw di sya pasok sa work."  Napangisi sya. She's really avoiding rj, huh? "So? Mag la lie ka sakin?" "Hindi ah! Bad 'yun diba? Sabi mo?" mabilis syang tumango dito. "Tapos sabi mo bad din ang di mag sabi ng totoo ay iisa lang pala yun." natawa sya ng mahina. "Alam mo ba? RInig ko usap ni Mommy saka ni Ninang ganda, narinig ko name mo boss pogi!" "Ano 'yun?" "Umiiyak si Ninang ganda, sabi nya mahal ka daw nya pero ayaw na nya daw. Tired na daw sya kasi sakit sakit na daw." Napabuntong hininga sya. "Then I will give her space." "Space? Yung sa labas ng earth?" Natawa sya ng malakas dahil don.  ~ "NAKAKAPAGOD!" "Ninang ganda! Bastos ang ganyan." Natawa sya sa sinabi ng anak nya. "Wag kang sigaw saka hikab sa public place kasi bastos yun."  "San mo nakuha 'yan?" kunot na tanong nito.  "Sabi ni Boss pogi! Nakakabastos daw yun." sagot nito sa kanya habang nakatingin sa cellphone at nanonood ng Ryan's toy. "Ayon! Kita ko na gusto kong gift." "What is it?" she asked. "I will buy that." "Ayy! Si Boss pogi na nauna mommy! Sabi nya kasi hanap daw ako ng toy na gusto ko saka bibili nya. Mommy, basta birthday party, ayos na ko saka love mo!" "Bait bait naman ni Raj! Sana ako din mag ka baby n---" "We will work that." Napatingin sila sa kalalabas lang lalake sa opisina at mabilis naman tumalon si Raj papunta dito"Boss pogi! Gusto ko ng car na 'to!" pakita nya sa laruan na gusto nya. "Raj!" nahihiyang tawag nya. "It's okay, Kyla. Hindi na iba sakin si Raj." Napabuntong hininga sya. Lahat nalang ng laruan ni Raj halos bigay ni Chance dito. Nahihiya na sya pero lagi nalang ito nag iinsist na sya nalang daw bibili. Sinasabi pa nito na itabi ang pera para sa future ng bata. Mabait itong kaibigan pero minsan naaabuso na nya ang tao at nahihiya sya ng sobra.  "Bibilis ka ni Boss Pogi nyan, Raj. Hintay mo lang ah?" "Yeheeeey! May car na ko hindi na ko kailangan sundo ni mommy saka hatid. Gagamitin ko na car na 'to." natawa silang lahat sa sinabi ni Raj. "Kiddo, hindi pa pwede ang totoong car. Toy car muna pwede pero pwede mo naman sakyan saka malay mo mag ka girlfriend ka na pwede mo na syang isakay dyan." "Hindi pa daw ako pwedeng mag paligaw sabi ni Ninang ganda! Kasi bata daw ako pag daw 18 na ko." Napatingin sya kay Arisy na nakahawak sa tiyan habang tawa ng tawa. "Arisy!" "Bakit? Totoo naman ah?" tumawa nanaman ito ng malakas. "Sa gwapo ba naman ng anak mo, Kyla! Baka nga kusang bumuka ang mga babae sa harapan nya matikan lang ang an---" "Parang ikaw sakin?" Napahinto ito at sinamaan ng tingin si Chance. Sila naman natawa ni chance dahil don. "Mommy, bakit bubuka sakin ang girls?" inosenteng tanong ng anak nya. "Minsan po bumuka sakin si Alyssa." nanlaki ang mata nya. "Para po sumakay sa likod ko." Natawa silang lahat sa sinabi ng anak nya. Ginulo nya ang buhok nito at pinag hahalikan sa noo. Nang matapos na ang oras nila ng trabaho ay mabilis silang nag i ayos.  Kumain muna sila sa isang karenderya ng anak nya bago umuwi, kaya nman ng pag dating nila sa bahay na inuupahan nila at bumagsak ang anak nya sa kama tuloy tulog nito. Napangiti nalang sya at buti nalang bago sila umalis sa trabaho ay nilinis na nya ito. Nag ligo sya saglit bago humiga. Pinag masdan nya ang muka ng anak nya, hindi nya maiwasan maalala ang lalakeng 'yun sa anak nya. Kuhang kuha nito ang muka ng lalakeng 'yun. Mahirap maka move on lalo na't may mga  bagay na nag papaalala sa kanya. Pero nasanay na sya, wala na syang magagawa. Pero hindi nya pinag sisihan na may raj dumating sa buhay nya. Eto na naging buhay nya, mas pinili nyang lumayo upang hindi na makagulo sa lahat. Kasalanan nya din ang lahat kaya naman wala syang nagawa kundi mag tago upang takbuhan ang kalokohan na ginawa nya. Hanggang kaya nya, itatago nya ang anak nya. Ilalayo nya sa mga taong mapang husga. Kinabuksan ay bago sila pumasok sa trabaho ay pumunta muna sila ng simbahan para sa morning service. Antok na antok pa ang anak nya habang nsa gitna sila ng misa.  Pinahiga nya muna to sa Lap nya habang nanginginig sila ng salita ng diyos. Kasama nya si Arisy na nag sisimba at eto din ang nag invite sa kanya na lumapit kay Lord at nag papasalamat sya dahil don. Dahil simula ng naging malapit sya kay lord ay maraming dumadating sa kanya, nawawala ang pagod at problema nya sa isang dasal nya lang. Parang dati lang wala silang ginawa ng mga kakaibigan kundi ang gumala sa mga mall at bilin lahat ng gusto nila pero ngayon? Natuto na sya sa bawat galaw, sa bawat perang gagastusin nya.  Marami syang natutunan simula nang naging malapit sya sa panginoon at hindi nya hahayaan ang sarili nyang lumayo dito. Nang matapos ang misa ay tulog parin ang anak nya. Hindi na sila kumain sa church dahil malelate na sila sa trabaho. Sumakay sila sa isang Trysikel habang tulog ang anak nya. Nakarating na sila sa trabaho ay iba ang tingin sa kanila ng mga tao. Hindi naman bago 'yun e. Malapit sila sa boss nila at sinasabihan silang sipsip dito kahit ang totoo ay hindi. Hindi nalang nila pinapansin ang mga ito, bagkus pinag dadasal nila ang mga ito upang layuan na ng tukso. "Nandito na pala kayo." "Ay hindi! Picture ko lang 'to!" Sinamaan ito ng tingin ni Chance pero wala naman pake si Arisy dito. Inirapan nya lang ito at umupo sa desk nya at binisita ang papel na nasa desk nya.  Hindi nalang nya pinansin ang dalawa. Pumasok sya sa opisina ni Chance at inayos ang sofa bed don. Don nya hiniga ang anak nya, madalas nya itong gawin kaya sanay na syang pumapasok don. Pero minsan kumakatok sya pero pag anak nya ang natutulog di sya kumakatok. "Antok na antok." "Oo e. Maaga naman natulog kagabi yan. Tapos ala syete na nagising ng umaga."  "Kumain na ba sya?" "Bibili palang ako ang jollibee nya." sagot nya dito.  "No. Oorder ako ng matinong pag kain. Hindi mo dapat sinasanay si Raj sa mga fastfood, hindi masyadong healthy." Napakamot sya ng ulo. Hindi naman kasi nya alam ano gagawin nya. "At maya maya ay may dadating akong bisita at ikaw mag assist sa kanya." "Sige po, Sir." Lumabas na sya ng opisina dumukmo. Wala naman kasi syang gagawin dahil tapos na sya sa trabaho nya. Wala pa ito sa kanya binibigay habang si Arisy naman ay seryoso sa kanyang trabaho. Gusto nya tong tulungan pero ayaw ni Chance na nangingielam ang isa sa trabaho. May binigay sya at dapat yun lang ang trabahuhin. "Daming trabaho, Arisy ah? Pero si Kyla, wala?" Napatingin silang pareho kay Gela na nakangisi. Umupo ito sa desk mismo at nag salita. "Wala na ba kayo ni Sir. Chance?" "Mind your own business, Gela." malamig na sabi ni Arisy dito.  "What? Hindi kaya dahil kayo nag break dahil kay Kyla? Nilalandi nya ba si Sir. Chance." Napatayo sya dahil don. "Wala ka bang magawa buhay mo kaya kami ang bwinibiwisit mo?" madiin na sabi nya. Tumayo ito at ito na mismo ang pumunta sa harapan nya. "Guilty? Bakit totoo?" "Bakit naman ako magi-guilty kung hindi naman totoo diba? Sino ba satin ang nilalandi ang boss pero hindi makuha kuha?" nanlaki ang mata nito. "Guilty?" ganti nya dito. Akmang sasampalin sya pero nag salita si Arisy. "Touch her, ngungud ngod ko muka mo sa semento." napaantras ito.  "Touch her and...try me." ngumisi sila pareho dito. "Akala mo kung sino malinis! Kung alam ko lang mas malala ka sakin!" ngumiti ang sya dito. "Hindi ako nag mamalinis. At nang yare na sakin 'yan." sagot nya dito. "Pero hinding hindi ko na uulitin." Mabilis ito nag martsa palabas at tumawa sila ni Arisy. Well, hindi lang naman kasi si Gela ang naka harap nya na ganito. Maraming beses na pero hindi sila nag pa epekto. Tiwala sila sa isa't isa at yun ang nagustuhan nya kay Arisy.  "Grabe! Ilan pa ba lalapit satin para sabihin satin yun?" "Hindi ko alam. Pero buti nalang handa tayo pareho!" Nag tawanan muli sila. Dumating na ang inorder na pag kain at sakto naman na pag gising ng anak nya. Lumapit ito sa kanya at umakyat sa lap nya. Napangiti sya dito ng mabilis sya nitong niyakap at sinubsob ang muka sa dibdib. "Hindi ka pa ba gutom?" she asked. "Hungry, mommy. Pero sleepy pa ko." Inayos nya ang gulo gulong buhok ng anak nya. "Arisy, ipasok mo pag kain ni Chance sa loob." "Uh! Ayoko nga!" mabilis na tanggi nito. "Sige na! Tignan mo inaanak mo oh?" Padabog itong tumayo at natawa sya. Kinuha ang isang plastic at pinasok sa loob. Inayos nya ang naka nya na papikit pikit parin. Inayos nya ang pag kain at saka ginising ito ng tuluyan. "Baby, eat ka na." "Sleey pa ko e." rason nito. "Uubusin to ni Ninang mo pag di ka pa nag eat. Alam mo naman matakaw si Ninang diba?" Napadilat ito at  mabilis na umayos. Inupo nya 'to sa isang upuan at hinarap ang pag kain dito. "Bakit di jollibee?" "Kasi sabi ni Boss Pogi, kahit daw ng healthy foods para daw di ka mag ka sick para daw di daw ako malungkot."  "Pag ba mommy may sick ako malungkot ka?" mabilis syang tumango dito. "Sige mommy, kakain na ko healthy foods, para di ka na sad mommy!" "Verygood, Little buddy!" she kissed Raj's forehead. Nag simula na silang kumaing lahat, nakita nya naman na marami kumain ang anak nya kaya naman nilabas nya na ang mineral water para makainom ito. Para silang tangang dalawa ni Arisy na pinanood ang bata.  "Baby, unahan tayo oh?" "Game!" Sumali sya sa laro ng dalawa. Halos sya ang huling natapos dahil pinag tawanan sya ng mga ito. "Lose ka mommy!" pang aasar sa kanya ng anak nya. "Galing naman ni baby!" masayang sabi ni Arisy dito.  "Dahil dyan may kiss ka sakin." Mabilis itong nilapitan ni Arisy at hinalikan sa pisnge. "Bakit wet pisnge mo?" nag tatakang tanong ni Arisy. "Uh -Ah! Boss pogi kasi ginising ako gamit ng magic kiss sa buong muka." masayang sabi nito at tumingin sya kay Arisy na mukang gulat. "Gulat na gulat parang di pa nahalikan si Chance ah?" natatawang sabi nya. "The hell! Dati 'yun!" inis na sabi nito. Padabog nanaman itong bumalik sa upuan at narinig nya ang tawa ng anak nya. "Sinadya kaya ni Boss pogi yun." napairap nanaman si Arisy dito.. "Sige! Kampihan mo boss pogi mo! Sya na mas love mo kesa sakin!" kunyare umiiyak ito agad naman bumaba ang anak nya sa upuan at lumapit dito. "Ninang, love ko din ikaw, kayo ni mommy. Wag ka na mag cry, aasar lang naman ikaw ni Boss pogi kasi gusto nya daw ikaw kikita na naiinis." "Ah ganon!" Mabilis itong tumayo at pumasok sa loob ng Opisina. Lumapit sa kanya ang anak nya na mukang natatakot. "M-Mommy aaway sila." "Hindi baby, uusap lang sila." sagot nya dito. "Pero mad si Ninang ganda. Edi haharap nya si Boss pogi! Mommy aaw---" "Excuse me? Asan ang opisina ni Chance Alvarez." Parang natulos sya sa kinatatayuan nya ng marinig nya ang boses ng lalakeng 'yun. Unti unti syang humarap dito at pareho silang nagulat ng nag katinginan sila. Pero mabilis ito nag palit ng emosyon. Naging malamig ang tingin nito sa kanya. "BUSET KA TALAGA CHANCE ALVAREZ!" "Mommy! Sabi ko sayo aaway sila e!" Hindi nya parin inaalis ang tingin dito at bumaba ang tingin nito sa batang hawak nya. "R-Raj, punta ka muna kay Ninang ganda mo." "Mommy baka mad sil----" "PUMUNTA KA SA KANILA!" Hindi nya napigilan at napasigaw nya. Nakita nya ang gulat ng muka ng anak nya at mabilis itong umiyak. "Damn it!" Binuhat n'ya to at pumasok silang dalawa sa opisina. Napatigil naman ang dalawa ng marinig nilang umiiyak si Raj. "A-Ano nang yare?" "Sir pwede bang umuwi muna ako?" nanginginig na tanong nya.  "C-Chance." Napapikit sya ng marinig nya ang boses ng lalakeng 'yun sa likod. "OH MY GOD! RJ SMITH!" "Go, umuwi ka muna."  Mabilis syang tumalikod at nilag pasan ang lalakeng 'yun. Kinuha nya ang mga gamit nya at pumasok sila sa private elevator. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD