Nakarating silang lahat sa bahay pero ni walang isang nag salita. Nakanguso lang sya habang nakaupo sa sala at katabi ang kanyang Nobyo. Hindi pa sya nito nakakausap mula kaninang bumalik sila eh halos isang oras na silang nakaupo! Ni hindi man sya tanungin kung may masakit ba syang nararamdaman o ano! Hanggang sa dalan na sila ng yaya nya ng meryenda ay hindi parin sya nito kinausap. Huminga sya ng maluwag at sya humawak sa damit nito at hinila nya. Napatingin ito sa kanya, mapupungay ang mga mata nito na para bang pagod. "Are you mad at me?" she asked. "I'm not sweetheart." Unti unti syang nakahinga ng maluwag. "Okay ka lang?" tumango ito sa kanya at mabilis syang dumikit dito at niyakap patagilid. "Sorry ah? Kasi nag punta pa ko, edi sana walang nang yaring ganon. Kasalanan ko---"