Halos dalawang araw na sya nag hahanap, at dalawanga raw na din syang walang tulog at walang kain pero hindi nya parin nakikita ang babaeng mahal nya. Tinatawagan na sya ng manager nya dahil sa nakita sya sa isang probinsya at mukang may problema. At di lang yun, maraming gusto mag interview sa kanya dahil sa pag tatago nya for two weeks pero kahit isa sa mga yun ay wala syang pake. Pinikit nya ang mata nya at sandaling naiglip. Hindi nya alam kung ilang minuto o oras ba sya nakatulog pero sa pag gising nya ay nakita nya sa labas ng kotse nya ang ibang tao. Mga kinikilig ito at mukang mga fans nya to. Hindi sya bumababa o ano. Napatingin sya sa cellphone nya at nakita nyang ala syete na ng gabi. Limang oras ang nasayang nya dahil natulog sya. Mabilis nyang sinagot ang cellphone nya. "