*Ospital Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ang lalaking dinala nina Victoria at Daniel sa Ospital. Nagulat siyang nasa ibang lugar na siya at buhay pa dahil ang akala niya'y katapusan na niya kanina sa kamay ni Midas. May nakakabit na dextrose sa kanyang braso at halos buong katawan niya'y may benda Ramdam niya pa ang pagkirot ng mga paso at malalalim na sugat na nakuha niya sa pakikipaglaban kay Midas. Hindi niya inakalang ganoong klaseng demonyo ang nakaharap niya. Ang buntot nito'y nakapapaso at daig pa ang isang espada sa talim ng dulo nito. Malakas na mga hampas ang natamo niya at ilang beses siya nitong natamaan kaya siya nagkasugat-sugat sa iba't-ibang parte ng katawan. Sinubukan niyang bumangon at maupo sa kama, lahat ng sugat niya'y kumirot sa ginawa niyang pagkilos. Nasa isa