XXVII

2003 Words

Nagulat si Victoria nang makita ang kanyang ama sa huling baitang ng kanilang hagdanan. Akala niya'y tulog ito ngunit ito at nasa kanilang harapan at makahulugang nagpalipat-lipat ang tingin sa dalaga at sa lalaking nasa likod niya na mistulang hindi maganda ang lagay dahil sa mga benda nito sa katawan. Mula mukha, braso, mayroon pa sa loob ng kanyang damit sa tiyan at parehong binti. "Anak?" Tawag ni Elias sa anak na mistulang natulala na. Nais niyang ipaliwanag nito kung anong nangyayari at kung sino ang lalaking kasama nito at akmang sasagot na si Victoria nang biglang dumating ang kanya namang ina at pinanlakihan siya ng mga mata. Hindi dahil sa pinag-iisipan niya ng masama ang anak, nakita niya kasi ang lalaki na panay benda. "Anak! Anong nangyari sa kasama mo?" Agad nitong tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD