bc

Akella Espejo (Girls Series #1)

book_age16+
106
FOLLOW
1K
READ
possessive
family
arrogant
goodgirl
drama
sweet
bxg
first love
school
passionate
like
intro-logo
Blurb

Akella Espejo, para sa kan'ya sila ni Kiel ay mahirap tibagin. Nangangarap silang sabay na dalawa hanggang sa paglaki.

Dahil sa magkaibigan ang kanilang parents at magkatabi ang bahay ay lumaki silang magkasama.

Nahulog sa isa't isa hanggang sa maging sila. Nangako sa isa't isa.

Pero sad'yang dumadating ang mga challenges sa buhay.

Nabaon sa utang ang mommy n'ya, lumala ang sakit ang daddy n'ya.

Habang si Kiel ay nagsisimula sa career nito. Pero sobrang hirap pala kapag wala ang isa't isa sa panahon na kailangan nila. Imbis na sabihin ni Akella ang problema n'ya ay pinili na lang n'ya suportahan 'to sa pangarap nito. Ang pinangarap nilang dalawa.

Pero sobrang sakit pala na makita na ang lalaking mahal n'ya ay may humahawak na iba. Hanggang sa tuluyan na 'tong umalis sa mundo nila na ginawa nila... hanggang sa iwan na s'ya nito.

Ang hirap at sakit ay sinarili ni Akella para sa pamilya n'ya. Huminto sa pag-aaral para unahin ang mga kapatid n'ya at halos mawalan na oras sa sarili. Habang ang lalaking mahal n'ya ay masaya sa bago... paano kung magtagpo muli ang kanilang mga landas?

chap-preview
Free preview
SIMULA
ONE “Paano pag sumikat ka na? Do you still want me to be your friend?” He stared at me because of my question. I made my face sad, para makita n’ya na malulungkot ako kung hindi n’ya ako magiging kaibigan. We’ve been friends for a years, magkatabi lang ang bahay sa subdivision. Magkaibigan ang mama at mama n’ya. Dahil ayaw maghiwalay ng dalawa? They both agreed to live in one subdivision. Gusto rin nila na maging magkaibigan ang mga anak nila. It was really funny when I heard their story. Hindi man sabay nanganak pero pareho kami ng buwan ni Kiel. Nauna s’ya sa akin ng isang linggo at sumunod na ako. Hindi namin alam matatawa kami dahil sabay kinasal ang dalawa? Parehong lugar ang pinuntahan pagkatapos ng kasal at magkatabi pa ng kwarto. It was really funny story but full of love. “Why are you asking me like that question, Akella?” ngumuso ako saka tumingin sa daan. Maraming dumadaan dito dahil dito ang daan papuntang court. Maraming nakatira dito pero ang bahay lang namin ang magkadikit at halos magkarinigan na kami. Pero kami ni Kiel? Madalas lumabas. Pero sa tapat lang naman kami ng bahay. Hindi naman kami lumalabas para lang pumunta sa malayo dahil nagagawa naman namin ‘yon pag papasok na kami sa University. Kung may oras kami? Gagala kaming dalawa at okay na kaming dalawa lang magkasama pero hindi ko naman masisisi si Kiel dahil alam kong maraming nakikipagkaibigan sa kan’ya. Ako? Oo, may kaibigan pero hindi ko naman nakakasama sa bawat gala ko dahil wala lang. Hindi masaya pag wala si Kiel. Nasanay lang siguro kami ni Kiel na puro kami ang magkasama. Bata pa lang kasi kami? Magklase na kami. Kami na laging magkasama, kami lang naglalaro at hindi nakikipaglaro sa iba. Mas gusto akong kalaro ni Kiel kaysa sa iba na puro ano, mas gusto n’ya maging daddy ng mga baby doll ko kaysa makipagtakbuhan sa mga kapwa n’yang lalaki. “Ate, tawag ka na ni papa!” napatingin ako sa kapatid ko na nasa kabilang gate habang inis na inis. Walang ipin ang harapan at mukhang naiiyak dahil natanggalan na naman s’ya ng ipin. “Natanggalan ka na naman ng ipin, Kiella?” inirapan ni Kiella si Kiel. “Ikaw may fault nito! Umuuga na nga? Inuga mo pa lalo!” Pareho kaming nagtawanan ni Kiel dahil sa sinabi ng kapatid ko. Paano kasi totoo naman. Noong umiiyak si Kiella dahil sa ipin nito ay mas inuga n’ya pa kaya nagalit sa kan’ya ang kapatid ko. After two days? Ayan, tuluyan na natanggal. Maganda pa naman ang ipin pero talagang dadaan ang mga bata sa ganitong proseso. “Ate!” napatingin ako sa kasunod ng kapatid ko na si Keiran. “Tawag ka ni papa!” may hawak itong bola ng basketball. Kaya naman tumayo na ako sa damong kinauupuan ko sa bahay ni Kiel. Tumingin ako kay Kiel saka ngumiti rito. “Saka mo na siguro ako kantahan,” nakangiting sabi ko dito at tumango s’ya. “Sige. Ihahatid na kita sa in’yo.” Tumayo rin s’ya at saka naglakad kami papunta gate namin. Yep, may gate rin sa loob. Ang gate namin ay daan papasok sa kanila at papasok din sa amin. Pwera pa ang gate na palabas talaga ng bakod ng mga bahay namin. Pumasok din s’ya sa loob hanggang sa maglakad kami sabay papasok talaga sa bahay namin. Nangunguna si Kiella na inis na inis pa rin habang papasok sa loob. “Papa, the suspect is here!” natawa kaming pareho ni Kiel. “Ezekiel, nandito ka pala?” natatawang sabi ni papa dahil mukhang natuwa sa sinigaw ng kapatid ko. “Hinatid ko lang po si Akella,” sagot n’ya kay papa at naupo sa sofa. Ako naman ay pumunta sa kapatid ko para tignan ang bibig nito. “Tutubo pa sa normal, Kiella. Don’t worry, okay? It’s normal to all kids na matanggalan ng ipin,” agad s’yang tumango saka pinunasan ang laway na tumulo sa gilid n’ya. “Nakakadiri!” “Arte-arte mo naman, ate!” inirapan ko lang ‘to saka lumapit na kay Kiel na nakatingin pala sa aming ni Kiella. Lumapit din sa amin ni Kiella at naupo sa kandungan ni Kiel. Binuksan naman ni Kiel ang TV kaya sa TV kami napatingin. Tahimik lang ako nanonood nang dumating si mama. Napatingin ako sa pinto dahil marami ‘tong dala. “Ma!” tawag ko dito at tumayo ako. Pumunta ako rito at saka tinignan ang mga dala nito. Hindi ako makapaniwala dahil sa dami at may mga bago na naman akong damit. Hindi lang ‘yon kahit ang mga kapatid ko ay mayro’n din mukhang galing pa sa mamahaling brand. “Hon, ano na naman ‘yan?” napatingin kami kay papa na ngayon ay naglalakad papunta sa amin. “Ano ka ba, hon? Nag-mall kami ni mare saka sayang naman nandoon na ako! Binili ko ng mga bagong gamit ang mga bata,” nakita ko ang titig ni papa sa mga dala ni mama. “Mag-usap muna tayo sa taas?” agad tumango si mama at si Kiella naman ay kinuha na n’ya ang bagong damit n’ya at nagsimulang ipagyabang kay Kiel. Pinanood ko ang paglalakad nila mama at papa. Bumalik ako sa mga gamit at saka inayos ‘to sa sofa. “Magka-away sila?” Kiel asked. “Hindi siguro. These days kasi masyadong palagastos si mama. Tapos pinagsasabihan naman ni papa pero si mama pa rin naman ang nanalo sa usapan nila,” nakangiting kwneto ko rito. “Normal lang naman sa kanila. Si daddy din naman laging galit kay mommy pero hindi naman kayang hindi katabi si mommy sa kama.” Pareho kaming natawa na dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
99.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
23.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook