"Lawrence, hindi na kaylangan. Nandito naman ang mga maids namin." Binuksan nya ang backseat at kinuha doon ang bag nya. "I promised Tito and Tita that I will take care of you." "But Lawrence." Sinundan ko sya na pumasok sa loob ng bahay namin. Ibinaba nya ang bag bago lumapit sakin at hinawakan ang mukha ko. "I'll take care of you, okay? Don't worry, I will be sleeping at the guests room next to your room." And then he smiled. Hindi ko na sya napigilan. Pumayag na rin ako sa gusto nya. Sabay kaming umakyat at hinatid n'ya ako sa kwarto ko. "Sleep tight. I'm just here." I nodded and he kissed me on my forehead. "Thank you." "I love you." Gusto ko rin iyong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Tumango na lang ako bago sinara ang pinto ng kwarto ko. Kita ko ang lungkot sa mga ma