"Mom." Sobrang saya ko. Gusto kong tawagan si dad pero wala pa nga rin pala kong cellphone hanggang ngayon. Hindi pa rin nya binabalik. Ilang sandali lang, dumating na ang dalawang nurse at ang doctor. Chineck nila si mommy and sinabing hintayin ko na lang daw sya magising. Kung hindi ngayon, baka bukas raw, for sure na. "Audrey? What happened? Lumapit ako kay Lawrence at agad ko syang niyakap. "Lawrence, mom is fine. She's okay." "Good news." Sabi nya at niyakap na rin ako. "Maiwan na po namin kayo." Bumitaw ako sa yakapan namin para harapin ang doctor. Ang OA ko yata. Nakakahiya. Masaya lang talaga ko. "Thanks po Doc." Tumango sya bago sila umalis. Lumapit ulit ako kay mommy at nginitian ko si Lawrence. Pero malungkot sya? "What's wrong?'' Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok