Nakarating na kami sa kanila pero wala si Tita A. For sure nandoon na naman 'to kela Imogen. Binuhat ako ni Ivan papasok sa loob hanggang sa makarating kami ng hagdan. Sa kwarto n'ya ako hiniga. "Pupuntahan ko si Imogen. Stay here, okay?" tumango ako sa kan'ya. "Mag pahinga ka ulit. Para bukas maayos ka na para maiuwi na kita." napasibi ako. "Parang gusto ko na lang masaktan ulit." sinamaan n'ya ako ng tingin. "Stop it." Hinalikan ako nito sa labi at pinahiga. Kinumutan ang aking katawan at dahan dahan ko ng pinikit ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim at narinig ko na lang ang pag sarado ng pinto. Dinilat ko muli ang mga mata ko. Her room is dark blue like the color of that room in white Rest house. Mas malaki ang kwarto n'ya sa akin. Naamoy ko ang kan'ya amoy sa kwarto n'ya lalo