Hindi ko alam kung makakauwi pa ako. Pero hindi kita makakalimutan, kahit kailan. Mahal na mahal kita, Imo. Kumuha ako ng sobre at nilagay doon ang papel kung nasaan ang sulat ko kay Imogen. Pumunta ako sa kama at lumuhod para kunin ang box na nandoon. Nilagay ko 'to sa loob. Kumuha din ako ng picture sa photo album naming dalawa at nilagyan ko 'to. Ayokong mag aalala sa akin ng sobra si Imogen. Gusto kong isipin n'ya na lang na broken hearted ako sa kapatid n'ya. 'Yun lang ang gusto ko at wala ng iba. "Anak..." Bumukas ang pinto at tumingin ako kay Mommy. Pinatong ko sa kama ang box. "I-Ivan is outside. Hindi ko s'ya pinapasok." nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Ngumiti ako ng malungkot. Bakit ganito s'ya? He should be happy with his woman! Hindi dapat s'ya nandito. Ano ba g