Napapikit ako habang nakaupo sa sofa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umaalis ako ng maaga sa bahay para lang hindi ako masundo si Nicolo. Umuuwi ng mas maaga para hindi ako masundo. Ilang araw nang yari 'yun, kahit mga text n'ya ay hindi ko pinapansin. Hindi ko alam paano s'ya haharapin. Ang hirap. Huling beses kami nag kasama sa bahay ng Lolo n'ya tapos wala na. Kahit binilin ako sa kan'ya ni Mommy ay ako naman umiiwas. Aayokong umasa si Nicolo sa akin. Tapos si Mr. Roman ay madalas sa building ko. Minsan ang papadala ng lunch. Hindi ko alam ano meron bakit gano'n s'ya. Sinabi ni Nicolo na hindi s'ya ang ex ko na sinaktan ako. Naniwala naman ako kasi s'ya lang ang kaibigan ko. Ang hirap walang kaibigan, wala ako mapag sabihan tungkol sa nararamdaman ko. Wala akong makuhang advice.