Bumaba ako at agad kong nakita si Kiefer sa sofa na mukang kagigising lang. Lumapit ako dito at agad s'yang napatingin sa akin. "Open your share it. Gusto mo picture ni Imogen, right?" mabilis n'ya naman ginawa 'yun at saka ko clinick ang akin. Lahat ng picture ni Imogen ay sinend ko sa kan'ya. Sobrang dami non at halos talagang si Imogen ang laman ng Gallery ko. Mahilig ako kumuha ng mga picture ni Imogen kahit wala s'yang alam. Wala din naman s'yang pakielam kahit kuhanan ko s'ya ng kuhanan. Bumaba si Ivan na basa pa ang kanyang buhok. Agad n'ya akong nilapitan at walang hiya hiya na nilamukos ako ng halik sa labi. "Ivan---s**t!" agad kong tinulak si Ivan at bigla akong nahiya dahil kay Tita Ara. "Ikaw talaga! Pag nalaman ni Imogen 'yan!" sumulyap sa akin si Tita at ngumiti. Ngiti