This is beautiful place. Hindi ko alam na gano'n kayaman si Ivan para bumili ng ganitong kalaking Rest House. Pumasok na kami sa kusina. Doon, sa loob ay may dalawang babae. Hindi ko sila kilala pero ngumiti sila sa akin. "Oh, mga anak?" Sa tingin ko ay kasing age lang 'to ni Ivan. Humarap ang dalawang babae sa matanda. "Nay tapos na." ngumiti ang nanay nila. "Umupo na kayo." tumango ako sa babaeng matanda. Pinag hila ako ni Ivan ng upuan at s'ya ang nag ayos ng pag kain naming dalawa. Tahimik na kaming dalawa kumakain habang nanonood sila. "P-Pwede po kayo sumabay sa amin." mabilis umiling ang dalawang babae saka ngumiti. Tumingin ako kay Ivan na tahimik lang na kumakain. "Hindi ba sila pwedeng sabay sa atin?" he glanced at me. "No." malamig na tugon n'ya kaya naman napatango