Mabilis nag daan ang bawat araw at sa bawat araw na 'yun ay lagi kong kasama si Ivan. Halos sa gabi lang kami nag hihiwalay na dalawa. Minsan sa umaga hindi kami nag kakasama dahil kailangan n'ya pumasok sa trabaho. Narinig ko din na mukhang nag kakaigihan na si Kiefer at Imogen. Masaya ako sa nababalita ko. Wala man sa akin sabihin si Imogen? Alam kong masaya s'ya. Nakikita ko naman. Saka hindi n'ya kailangan sabihin ang lahat sa akin, ayos lang sa akin. Basta masaya s'ya? Ayos lang. Dumating na din ang araw ng dinner namin. Sunday night ang napili ni Daddy na araw kaya naman pinag handaan ko 'yun. Sa umaga lang kami nag kita ni Ivan. Pinag luto ko s'ya ng Adobo dito sa amin at saka kumain kami ng sabay. Umalis din agad para sa trabaho. Kung sakali pala natuloy ang plano ay hindi rin