lSunday ng hapon ay inuwi ako ni Ivan sa bahay namin. Hinatid ako nito hanggang kwarto at buti na lang ay wala si Mommy. Siguro kung nandito si Mommy ay pag mamasdan non ang galaw ko. Ayokong malaman ni Mommy nang yari sa amin ni Ivan at nakakahiya naman kung sakaling malalaman n'ya. Bukas na bukas ay may pasok kami. Should I bring extra sexy clothes? I should, rightt? Baka bigla mag aya si Imogen sa Club A. Pang hapon naman kami bukas kaya ayos lang kahit anong oras ako magising bukas. Sinabi ko kay Yaya na dalin na lang ang dinner ko sa kwarto ko. Tahimik lang ako nag ce cellphone. Walang text si Ivan sa akin pag katapos n'yang umalis. Siguro busy 'yun. Hayaan ko na lang dahil bukas naman ay mag kikita kami. Ayoko din naman maging clingy girlfriend 'no? Minsan kasi pag nararamdaman