Napahinto ako sa pag lalakad ng makita ko si Ivan kasama si Leiya. Nakahawak si Leya sa kan'yang braso. Hindi nila kami napansin dahil dumadami na ang tao. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil doon. "Tara na." hinawakan ni Nicolo ang kamay ko at saka nag lakad kami papasok doon. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam bakit gano'n? Bakit sila mag kasama dito? Wala na ba talaga silang relasyon? Hindi dapat muna ako naniwala kay Ivan pero nakakainis. Agad akong naniwala. "Wag ka papaepekto." he whispered. "Alam ko ang gagawin ko, Nicolo." napabuntong hininga s'ya sa akin. Pumasok kaming dalawa sa loob ng simbahan. Mag kahawak kamay pa rin kaming dalawa hanggang sa loob. Hindi ko alam kung nasaan si Ivan at Leiya pero wala na akong pakielam. Hindi ko alam bakit ganito na lang ako ma