Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatitig lang ako sa kan'ya. Malungkot ang kan'yang mga mata ay may nakaguhit na sakit. "Well, hindi ko alam paano ko sasabihin." bumukas ang elevator at pareho kaming lumabas. Hinawakan n'ya ang kamay ko. Babawiin ko na sana pero humigpit ang hawak n'ya dito. Hindi nila ako sa tabi ng hotel room ko. Binuksan n'ya 'yun at agad kaming pumasok na dalawa doon. Pareho kami ngayong nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam ano sasabihin ko ngayong nasa harapan ko. "Gusto ko sabihin sa'yo lahat. Para kung sakaling maalala mo alam mo na ang totoo." Hinila n'ya ako papunta sa kan'yang kama. Inupo n'ya ako doon. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Hindi ko alam ano ba dapat hawin ko. Hindi ako handa pero pinipilit ko ang sarili ko na maging handa kahit saan. "L