Chapter 7

1642 Words
Yessa Jaycee "How dare you talk to my baby Hiro!" Hirit ni Marga sabay hila sa buhok ko, "how dare you take him away from me! You sulotera and silent flirt!" Napayuko na lang ako, "a-ano..." isang buwan na ang nakalipas nang naging kaibigan kami ni Hiroki, at sa bawat paglipas ng panahon ay nakilala namin ng husto ang isa't isa, we're now friends. And yeah, he still have the same heart effects on me, everytime I'm with him, I feel my world exploding in fireworks but the whole world seems to be against with our friendship, sino nga ba ang hindi tututol sa pagkakaibiganan namin ni Hiro? I'm just simple, plain, boring, and out of the limelight while he got everything you would be wishing for, he is a rich kid, talented, and he have the looks. In short, he is Royalle's Perfect Prince. "Ano? Sumagot ka! Hoy babaeng makati, malandi, at haliparot! Akin lang si baby Hiro! He's mine!" Hirit niya sabay sampal sa akin, nalasahan ko agad ang dugo sa labi ko at namula ang aking pisngi nang dahil sa lakas ng tama, napa-aray naman ang mga kaklaseng kong nanonood sa amin -nakakuyom na lang ang kamao ko, pinipigilan ko ang umiyak... ayaw kong umiyak... ayaw kong makita nila ako sa kalagayan kong mahina, I don't want them to see through me, I am strong and I won't cry with this little pain, I've suffered much more than this so I will just stay quiet, no crying, no tears, "itatak mo sa makitid mong utak, akin lang si Hiro, mine and forever will be!" "Who says?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng malamig na boses, nakita ko si Hiroki sa may pinto ng classroom namin na nakatingin ng masama kay Marga, he turned his gazes to mine and his hard expression softened, pumasok na siya sa classroom namin at naglakad, lahat naman ng mga classmates ko ay nagbigay ng daan sa kanya, si Marga naman ay parang nahuling nagnakaw sa kanyang itsura. "A-Ano... Hiro, I'm just teaching her lessons." Sabi ni Marga, hahawak sana siya sa braso ni Hiroki nang tabigin niya ang kamay nito. Nakatingin lang siya sa akin, at sa aking namumulang pisngi, at sa putok kong labi, umiling siya bago hinila ang kamay ko, "let's go to the clinic, and to all of you, kapag malaman ko ulit na sinasaktan niyo si Yessa, hindi niyo magugustuhan ang maaari kong gawin." He announced to the class, his voice was serious to the point na kikilabutin ka, para naman silang mga asong tumango, "that applies to you too, Marga." Malamig na ika niya kay Marga na nakatingin ng masama sa akin sabay hila sa akin palabas ng classroom, lahat sila ay nakatunga lang habang nakatingin sa amin ni Hiroki at sa kamay niyang nakahawak sa akin. Who wouldn't? Kinakatakutan talaga si Hiroki, even boys are afraid of him. But not me. Hindi ako takot kay Hiroki. Why will I be afraid of a person who makes me feel special? Why will I be afraid of someone who gave me a grip to continue living when dying? He is Hiroki Yoshiro, the guy who suddenly entered my life thanks to a ball, yeah, our story started when a ball accidentally hit my head while I was crying. Sa kanya ko lang rin malayang ipakita ang mahinang side ko. Nang nakarating na kami sa clinic ay agad namang tinreat ng nurse ang namumulang pisngi kong namaga at ang labi kong putok nang dahil sa sampal ni Marga, binigyan ako ng nurse ng ice compact, lumabas na kami ni Hiro sa clinic noong nalinisan ang sugat ko sa labi at noong medyo ayos na ang pamamaga ng pisngi ko, tahimik lang kaming dalawa, "saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang napagtantong hindi pabalik ng classroom ang dinadaanan namin, matapos ang ilang sandaling paglalakad ay tumigil na rin siya sa wakas. Nasa likod kami ng main building. Kaming dalawa lang ang nandito since may klase, hapon na rin. Nagulat ako nang bigla na lang siyang umupo sa ilalim ng malaking puno, "next time, huwag ka nang papayag na apihin nila." Rinig kong sabi niya. Yumuko naman ako at umupo na rin sa tabi niya, "sanay naman na ako eh." I felt him raise one of his eyebrows, "sanay? Yessa, don't make it as an excuse, hindi porket nasanay ka na sa ginagawa nila ay ibig sabihin hahayaan mo na lang sila, Yessa, hindi tama 'yong ginagawa nila at habang hindi ka lumalaban, mas lalo lang silang aabuso." Ngumiti lang ako ng pilit bago yumuko, "bakit hindi tayo dumiretso sa classroom? May klase pa ah, cutting class ito." Pag-iba ko ng topiko, ayaw kong sabihin kay Hiro na hindi ako makakalaban, na isang hamak lang akong scholar kaya kung lalaban ako tiyak na mawawala 'yong scholarship ko. Ganoon ka-strict ang supporter ko. "Cutting class?" Ngumisi siya, "first time mo, di ba? At kasama pa ako." Hiroki is right, it was my first time to do cutting classes, kasama pa siya... Humikab lang siya bago humiga sa may damuhan kung saan kami nakapwesto, sinandal niya ang ulo niya sa lap ko at biglang bumilis ang pintig ng puso ko, pinagdasal ko na sana hindi niya naririnig ang malakas na pagtibok ng puso ko, I just hummed a song that I know to make sure he won't hear my heartbeat, he smiled. "Ang ganda talaga ng boses mo." Dug dug dug dug. "I'm not in the mood to study, plus it's boring there, paulit ulit lang ang dini-discuss." He said, answering my previos question. Napangiti na lang ako bago umiling, biglang humangin ng malakas kaya naman may mga dahong nahulog mula sa puno, at nagkataong natamaan ng isang dahon ang mukha ni Hiro, natawa na lang ako sa kanyang gulat na reaksyon. He looked at me as if he saw a ghost, "bakit?" "You laughed... for the very first time." Nakangising sabi niya, nanlaki ang mga mata ko, he was right. "Congrats." Nang dahil doon, I suddenly felt normal. I felt... happy, I laughed... I just laughed without knowing it! Biglang tumayo si Hiro, he took my hand to help me stand up, "saan na naman tayo pupunta?" Tanong ko. He looked at his watch, "it is three in the afternoon, perfect timing." He smirked, walang sabi siyang naglakad, ako naman ay sumunod na lang sa kanya habang nagtataka pa rin, where are we going? Where was he taking me? Maraming pasikot sikot ang dinaanan namin, ang laki talaga ng boundary ng school namin, ngayon ko lang rin madiskobre ang lugar na kung saan na kami ni Hiroki. Bigla kaming tumigil sa harap ng isang malaking pader -pader ng school, si Hiro naman ay biglang naglakad papunta dito, nagulat ako nang may nakita akong malaking butas mula sa likod ng mga halaman dito, big enough para magkasya ang katawan ng isang tao. Hiro slid himself out of the wall's hole as if it was nothing, lumingon siya sa akin. "Are you coming with me, or not?" Tanong niya, that's when I realized, this is a secret way out of the school without the school guards realizing, siguro palagi itong nagka-cutting class kaya alam na alam niya ang lugar na ito, once kasi na pumasok ka sa school ay bawal ka nang lumabas hangga't dismissal, "what? Are you coming?" Ulit niya kaya naman bumalik ako sa huwisyo. Lumunok ako, huminga ako ng malalim. Since andito naman na kami, wala nang talikuran, right? Without even realizing it, my feet followed him, I crossed on the hole of the wall at ang bumungad sa akin ay ang isang madilim at bakanteng eskinita. Matapos ang ilang sandaling pagmamasid sa paligid ay napatingin ako kay Hiroki, he grabbed my hand and we walked, tumigil na lang kami sa tapat ng isang nakaparadang bigbike. Nagulat ako nang sakayan niya ito at paandarin, he owns it? Tinignan ako ni Hiroki before smiling, "sakay." Umiling lang ako, "Takot akong sumakay s-sa... bigbike." Nakita ko siyang tumingin sa akin, "wala kang dapat ikatakot, trust me." Trust. In the dictionary, it means allow without fear, can I trust Hiroki Yoshiro? Huminga ako ng malalim, "saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang nakasakay na ako, yeah, in the end... I trusted him kahit na may pagdadalawang isip ako, sumakay ako because his words were reassuring me -his deep voice was soothing me, and I just can't resist it. It feels like I can trust him with everything. Pero hindi mo pa sinasabi sa kanya ang kalagayan mo. "Playground." Tipid na sagot niya bago pinaharurot ang sasakyan, napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit, feeling ko naiwan ko na ang kaluluwa ko sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya, at dahil napayakap ako sa kanya ay naramdaman ko 'yong... rippled abs niya. Ang lapit ng katawan namin sa isa't isa, at naaamoy ko pa ang mabango niyang damit. "Waaah!" Napapasigaw na lang ako... hangga't sa bigla na lang akong tumigil, hindi ko na-realize na nag-e-enjoy na pala ako sa ride na ito at hindi na ako natatakot sa bilis, first time kong sumakay sa isang bigbike, with a man, with him. Ang dami ko nang first times... at sa bawat first times ay kasama ko siya. And I hope it ends that way. I hope na kahit hanggang sa huli ay kasama ko pa rin siya. Hiroki Yoshiro... I can't believe someone like Hiroki Yoshiro would ever befriend someone like me. Napapikit na lang ako, enjoying the moment, savoring the ride that caused my heart to beat so fast -not that because I'm afraid because he is too fast in driving, but because we were so closed to each other, I hope he does not feel my frantic heartbeat. But I hope he knows that it is beating for him. My miracle, I finally found you... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD