Hiroki Yoshiro "Hiro! Ano ba iyan, nakatunganga ka na naman!" Inis na sigaw ni coach, napabuntong hininga na lang ako, "ano ang balak mo sa buhay, hah?" "Bro, ok ka lang ba? Napapadalas na ata ang pagkakatulala mo sa trainings natin ah." Concerned na tanong ni Mark sa akin. Nginitihan ko lang siya, "wala ito bro, sorry coach!" Sabi ko, tinry kong ituon muna ang sarili ko sa training at hindi kay Yessa, nagsho-shooting ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko, "Hiro! May naghahanap sa iyo sa labas ng gym!" Sabi ni Steff sa akin, tumango na lang ako bago nagpaalam kay coach na sinermunan muna ako bago pumayag. "Naku! Naku! Bilisan mo kung hindi malilintikan ka sa 'kin!" Asar na pagtataboy ni coach, tch, moody naman nito. Nagtaka naman agad ako sa kung sino ba naman ang naghahanap sa

