Isang tango ang naging sagot ng batang lalaki. He jerked his head on me and without a word walked down the kitchen and into another room. Mas maraming kitchen staffs ang naroon. Diretso ang lakad ng lalaki ngunit ako ay natigilan na sa mahahabang lamesa. Naroon ang mga pagkaing nasa plato, handa na upang kainin. Prepared with different courses. Umuusok at kalat ang mabangong amoy sa paligid na siyang nagpakalam ng sikmura ko. Isang lalaki ang kumuha ng ilan sa mga iyon at maingat na inilagay sa trolley tray. Nang nawala na sa paningin ko ay muli kong pinakatitigan ang mga natirang pagkain. "Ano pang hinihintay mo?" the boy, Reinard, hissed at me. Isang beses niyang sinulyapan ang pintuan na tila ba biglang susulpot doon ang lalaking nag-utos sa kanya kanina. Our eyes met. His mouth part