"f**k it, Wesley! How did you let this happen?" reklamo ni Zion. Hindi ko nagawang lingunin ang reaksyon ni Wesley. Marahan akong itinulak ni Zion bago niya sunud-sunod na pinagbabaril ang lalaking akmang babaril sa amin. Part of the ceiling fell in front of us. Mabilis naman akong nakaiwas at palayo sa apoy na kumakalat. "I'm sorry, I'm really sorry." Akmang tatawirin na Zion ang apoy na pumapagitan sa aming dalawa ngunit dahil sa sinabi ni Wesley ay natigilan siya. Hindi ko alam kung ano ang mali roon. But it's as if something about the words were wrong. Nilingon ko rin si Wesley na mapait na nakangiti kay Zion. Napakurap ako. "Let's go," mariing bulong sa tainga ko ng kung sino. Sinabayan pa iyon ng mga brasong pumulupot sa akin upang tulungan akong tumayo kaya medyo napatili ako.