Heaven Villanca's PoV I never felt this broken before. I never felt this fragile and frail. Sa totoo lamang, lahat ito ay nangyari simula noong gabing nabago ang buhay ko. At mas pinalala pa nang pinasok ko ang gusaling ito. Meeting Lucifer, I know, na wala siyang ibang gagawin kundi ang mangwasak. Iyon naman ang hilig niyang gawin sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan na ganito. Wala siyang tinara sa akin. Kinuha niya at dinurog hanggang sa halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero sa tuwing nagtatama ang paningin namin, tila ba misyon niya sa buhay ang wasakin ako. Patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa pagbagsak sa unang hinihigaan ko. Kung sana ay may kakayahan ang luhang iyon na tunawin ang lahat ng bagay sa paligid. Lahat-lahat. Maging ang