Dahil sa matinding kaba ay hindi ko na halos maramdaman ang pisikal na sakit sa aking katawan. Papasok sa penthouse ay doon ko lamang nalaman kung bakit. My feet did not hurt anymore. Mas kaunting kirot ngunit hindi katulad kanina. Nagtataka kong tinitigan ang malapad na likod ng lalaking sinusundan ko. He healed me. Akala ko ay pinalala niya ang sakit sa pagpilipit niya kanina. But the truth is, he actually helped me. My heart melted. May kung anong humawak sa puso ko na pakiramdam ko ay gusto kong maiyak. It's actually but a simple action from him ngunit pakiramdam ko ay napakalaking bagay na. Bumuntong hininga ako bago ko isinara ang pinto. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Naglakad siya sa loob ng silid. Tahimik naman akong nakasunod, ang mga kamay ay magkahawak sa aking