bc

The Promise of Forever

book_age12+
2.9K
FOLLOW
27.0K
READ
billionaire
possessive
fated
arrogant
dominant
manipulative
powerful
self-improved
confident
CEO
like
intro-logo
Blurb

[Language: TagLish] Kaira Chaves was afraid to love again after having her heart broken. She cannot trust men anymore. To add, she was almost raped one night but she was saved by the billionaire, Travis Javierres, who was famous among the girls because of his peculiar pledge that he will marry anyone who sees his tattoo.

As if fate is playing with Kaira, she sees the tattoo of Travis and as a man of words, he will honor his oath and will do anything it takes to have Kaira.

Little do they know the story that awaits them.

chap-preview
Free preview
Prologue
        "Guys, andito na ang prinsesa ng gabi! Introducing, Kaira Chaves!" sigaw ni JM nang nakarating kami sa VIP lounge ng Custody Booze, as usual, nagpapakalunod na naman sa alak ang mga kaibigan ko doon.     "Whoa! Na-miss ka namin Kai!" bungad sa akin ni Ethan, may hawak siyang wineglass na may lamang Bacardi. Siya ang may-ari nitong bar kaya palagi kaming VIP na kaibigan niya, the perks of having a friend who runs a bar!     Akmang yayakapin niya ako nang may biglang sumiko sa kanyang tagiliran, "Ethan Andres Macario, huwag mong landiin si Kai!" biglang sigaw ni Trisha na namumula na sa inis.     Binaling ni Ethan ang kanyang atensyon sa kanyang asawa habang nakanguso, yes, he is married to Trisha, actually, mag-iisang buwan na nga ang kasal nila eh.     "Baby naman eh, yayakapin ko lang." napailing na lang ako sa dalawa.     "Ok, so since kumpleto naman na tayong lahat, let's start the real party!" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses, si Blue lang pala, kasama niya si Vivien na kumaway sa akin. Nakaupo sila ngayon sa table namin, nasa second floor kami ng bar which is actually the VIP lounge. Maganda ang view dito at may terrace pa!     Umiling na lang kaming lahat tsaka kami umupo, tumingin ako sa ibaba at nakita ang mga taong nagsasayawan at inuman habang walang tigil ang malakas na pagtugtog ng mga kantang remix. "Kai, Jack Daniels?" abot sa akin ni JM ng wineglass na may lamang alak.     Ngumiti ako, "no thanks." I'm not really into alcohols, I just drink cocktails, iyon lang. Ang pangit lang kasi ng lasa ng alak. Hindi ako sanay.     Ngumuso si Trisha, "still a good girl, eh?" natatawang iling niya.     "Hindi naman, I'll just drink the juice." sabi ko sabay kuha sa pitcher sa table.     "What a partypooper." dismayadong singit ni Blue.     "Alam niyo naman na hindi ako umiinom eh." nakangusong sagot ko. "Tsaka paano kung sobrang lasing niyo na naman? Sino na ang mabait na kaibigan na maghahatid sa inyo kung maglalasing rin ako?"     "Kai, hindi ka naman maglalasing. Isang shot lang." paliwanag ni Ethan.     Nagbuntong-hininga ako sabay kuha sa wineglass na may Jack Daniels na nilahad ni JM, ininom ko agad ito para isahan na lang ang anghang at pangit na lasa. "Aysh!" kumuha ako ng piraso ng lemon sabay subo nito.     "Whoa! Iyon oh!" tumatawang tugon ni Vivien.     "Guys, guys, narinig niyo ba ang balita?" lahat kami ay napatingin kay Trisha.     "Anong balita?" kunot-noong tanong ko.     Tumili si Vivien, "gosh! Oo nga pala, kyaah!" biglang hirit niya kaya naman napakunot-noo na rin sina JM, Ethan, at Blue.    "Ok? Mind sharing?" sabi ko.     "Travis Javierres is now on Philippines after two years stay in Singapore for who knows why!" mabilis na paliwanag niya, halos mawalan na nga siya ng hininga nang natapos niya ang kanyang sinasabi.     "Travis who?" mas lalong kumunot ang noo ko,     Suminghap sina Trisha at Vivien sabay tingin sa akin, "hindi mo siya kilala?!" sabay na sigaw nila.     I rolled my eyes. "Magtatanong ba ako kung hindi ko siya kilala?"     "Hay naku girl, uso manood sa TV! Uso rin mag-internet! Or maybe you are just kidding na hindi mo siya kilala?" hindi makapaniwalang tanong ni Vivien pero halatang kinikilig pa rin.     "I know right!" sang-ayon ni Trisha.     "Why is he such a big deal?" tanong ko.     Tumango si Ethan, "yeah! Bakit nga ba?" sabi niya sabay akbay kay Trisha. Halatang nagseselos na siya. Pfft.     "Hays, si Travis Javierres ang president ng Javierres Company, he is a hotty billionaire! Masungit raw siya at kinakatakutan, but asides all these things ay super gwapo siya at hunk, they say he never dated a girl before..."     "Baka naman beki?"  pagputol ko kay Vivien.     Biglang tumawa ang mga lalakeng kasama namin.     "No damn way! Hindi totoo iyan!" pagdepensa ni Trisha.     Ngumuso si Ethan, seloso talaga ito!     "No, hindi totoo iyan. I heard that he is hiding a small tattoo and nobody has seen it yet, nobody knows kung saang parte ng katawan niya ito nakatago pero they say na ipapakita lang niya ito sa lucky girl na papakasalan niya." pagpapatuloy ni Vivien.     Tumawa ng marahan si Blue, "that has to be a lie."      "Of course it isn't, he already confirmed it last month na totoo nga ang rumor na iyan!"     Napaawang labi na lang ako, this billionaire sounds like a big shot and weird thanks to the tattoo rumor, I wanna meet him...     Napailing na lang ako. "Punta lang ako sa powder room." sabi ko sa mga kasama ko sabay tayo.     Bumaba na ako sa VIP lounge at nakisukot sa crowd ng mga tao, habang nasa gitna ng crowd ay nagulat na lang ako nang may biglang humila sa aking kamay, mahigpit ang hawak niya habang kinakaladkad niya ako palabas ng bar.     "Ouch! Hey!" pinagsusuntok ko ang salarin nang nasa may madilim na parte na kami ng isang eskinitang hindi pamilyar, "s-sino ka?" tanong ko sa lalakeng nakamaskara.     Tinanggal niya ang maskara niya, nanlaki ang mga mata ko, "J-Jad?"     Hindi pa rin niya binibitawan ang mahigpit na hawak niya sa aking kamay, "Kai, mag-usap naman tayo..." halatang lasing na sabi niya sa akin.     "Jad, no. You're drunk." si Jad ang isa sa mga manliligaw ko ng ilang buwan na binasted ko, I don't really want to be tied to any relationships, tsaka isa pa, I don't like him.     "Kai, ano bang kulang ko? Gwapo naman ako ah?!" nagulat ako nang bigla na lang niyang halikan ang leeg ko.     "S-Stop!" tinulak ko siya pero masyado siyang malakas. Hindi ko maiwasang maiyak nang bigla niyang pinunit ang dress ko, "Jad, a-ano ba!"     "Huwag ka na kasing pakipot pa, Kai. We both know na may pagnanasa ka rin sa akin." halatang lasing na nga talaga ang lalakeng ito.     Napapikit na lang ako sa sakit habang pilit kong pinagtatakpan ang punit na bahagi ng dress ko.     Nagulat na lang ako nang biglang nawala ang hawak niya sa braso ko, minulat ko ang aking mata at nakita ko na lang si Jad na nakahandusay sa malamig na sahig ng lot, putok ang labi niya.     "What the heck!" sigaw niya at tumayo, tumingin ako sa sumuntok sa kanya, isang lalakeng kakaiba ang aura, kahit na madilim ang lugar kung nasaan kami ay halatang gwapo siya at hunk.     Akmang gaganti ng suntok si Jad nang pinigilan siya ng lalake, walang sabi niyang sinuntok ulit si Jad dahilan upang mawalan siya ng malay at mapahiga ng tuluyan sa sahig.     "Boss! Ano'ng nangyari?" may isang lalakeng biglang sumulpot sa likod ng nagligtas sa akin.     "Put him to jail, Grey." malamig na sagot niya sa lalake, I think his name is Grey.     Tumingin siya kay Jad na walang-malay, "ano bang nangyari, boss?"     "Just put him to jail."     Napakamot sa batok si Grey sabay tango at buhat kay Jad. Is Grey working for this guy who saved me or something?     Ako naman ay nakatunganga lang, hindi ma-buff ng utak ko ang mga nangyari, basta ang alam ko lang ay wala na sina Grey at Jad.     Tumingin sa akin ang lalakeng nagligtas sa akin...     "U-Uhm, thanks..."     Napataas ang kilay niya, "your dress is ripped." sabi niya sabay turo sa may dibdib ko, agad ko namang tinakpan ang punit na bahagi ng dress ko habang namumula ang pisngi.     Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng lalake, "wear this." bigla niyang hinubad ang suot niyang shirt, bumungad tuloy sa akin ang katawang nakakalaway, I must say, this stranger have a well-defined abs, toned chest, biceps, and triceps.     "H-Huwag na..." suway ko, umiwas ako ng tingin sa kanya kasi feeling ko kapag titignan ko siya ng diretsa sa mata ay matutunaw ako sa takot.     "Wear this." ulit niya. Napakagat na lang ako sa labi ko. Bakit ba kasi ang sarap pakinggan ng boses niya?     Napalunok ako sabay kuha sa shirt na hinubad niya, tumalikod na siya sa akin bilang senyales na isuot ko na, pero bago iyon ay nilanghap ko muna ang mabangong amoy ng damit. Ano kaya ang pabango ng lalakeng ito?     Nang nasuot ko na ang damit ay hindi ko maiwasang mapailing, ang laki kasi nito pero ang komportable sa katawan. I think I should wear boy shirts now.     Napatingin ako sa lalakeng nakatalikod sa akin, nanlaki ang mata ko nang may makitang marka sa likuran niya na biglang nag-glow, hindi ko namalayan na bigla na lang naglakad ang paa ko palapit sa kanya na para bang may sariling buhay, pinagmasdan ko ang naggo-glow na marka sa likuran niya, I think it is a small tattoo that glowed when in touch with the moon's light, hindi ko maiwasang mamangha, wala sa sariling hinawakan ko ang likuran niya.     Ramdam ko ang paninigas ng lalake, "shit." bigla siyang humarap sa akin habang nanlalaki ang mata, "y-you saw my tattoo?"     Tumango ako.     Suminghap siya. "What's your name?"     "K-Kaira. Kaira Chaves. Ikaw?"     Napataas ang isang kilay niya, "hindi mo ako kilala?" hindi makapaniwalang tanong niya.     I nodded. "Magtatanong ba ako kung kilala kita?"     "I'm Travis Javierres."      My jaws dropped.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
512.0K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
287.2K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook