Media and reporters. Sobrang dami nila na halos mabulag ako sa bawat flash ng camera. Lalo na dahil sakay kami ng isang limousine. Sa entrance ng hotel ay naroon si Aven. Nang nakita kami ay agad na nagbeso sa akin. "You made it here!" Ngumiti lamang ako pabalik sa kanya, naiilang pa rin sa bawat camera'ng nakatutok sa amin at sa iba pang taong dumarating. "I made it for her," ani Erisse nang ipunulupot ni Aven ang braso sa baywang niya. Ngumiwi si Arcel. Kung dahil sa sinabi niya o dahil sa pagiging sobrang lapit ng dalawa sa isa't isa ay hindi ko na alam. Ang kanyang braso na nasa aking baywang ay mas lalong humigpit. "Do you think your cousin will going to be happy about this?" Ngumisi si Aven sa amin ni Arcel. Well... "Sure not," sagot ni Erisse at dinungaw ang braso ni Aven sa