Naging mabilis ang araw. Mabilis dahil malayo ako sa mga taong nagbibigay sakit sa akin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong huling araw kong nakita si Race. I sighed. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang iniisip ko. Ganoon nga siguro talaga. Mahirap kalimutan ang taong espesyal sa buhay natin. Mahirap baguhin ang nakasanayan lalo kung walang ideya kung paano magsisimulang magbago. Nakakatawang isipin na ako na nga itong lubos na nahihirapan sa sitwasyon, ako pa ang umiiwas at kailangang magbago. Sila naman itong nanggugulo sa buhay ko kaya bakit kailangang ako pa rin ang mag-adjust at umunawa sa mga nangyayari? "Iha, are you feeling okay now?" Nag-angat ako ng tingin kay Uncle Simon, uncle ni Arcel. Umuwi siya noong araw din na tumuloy ako rito. He said he really wanted to stay he