I let go of the air I was holding. Pinagmasdan ko ang mga kamay ni Race na nakahawak sa mga kamay ko. Seryoso ang mga mata niya habang sinasabi iyong lahat sa akin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Tila napakaimposible. Sinulyapan ko ang stage sa harapan. Lihim akong napangiti nang maalala ang araw na iyon. Natatandaan ko nga iyon. That man made my heart beated fast, sobrang nabigla ako noon matapos magtama ang paningin namin. I'm used to the attention especially when I'm on the stage. Pero may iba sa kanya noon na biglang nagpakaba sa akin. I suddenly became conscious of my moves. Mabuti na lang na huli ko na siyang napansin dahil na rin sa dami ng mga tao. I can still remember how girls on the back stage talked about it. Halos isang buwan yata siyang usapan sa b