Chapter 39 Lean POV Nagulat kami ni Gian noong biglang gumalaw ang elevator at bumukas ang pinto nito, "what are you guys doing?" Tumingin kaming dalawa ni Gian sa lalakeng nakapang business attire na nakatayo sa labas ng elevator. Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo, "Vian! A-Ano, nasiraan kami ng elevator kaya na-stuck kaming dalawa." He raised one eyebrow to Gian's hand, "what happened to your hands?" "Yeah, I know I should go wash them. Habang nasa loob ng elevator ay ginutom ako, saktong may dalang pagkain si Lean kaya binigay na lang niya 'yon sa akin at syempre, ulyanin ang dakilang Lean at nakalimutan niyang magdala ng kutsara at tinidor kaya naman nagkamay na lang ako tap-" "Ok. Ok." Pagputol ni Vian saka siya tumingin sa akin, "ano ang ginagawa mo dito?" Kinagat ko ang