Chapter 35 Halos isang buwan na akong sinusuyo ni Gian kahit na sinasabi ko sa kanya na wala siyang tsansa dahil mahal ko si Vian, simula noon ay lagi na silang nag-aaway ni Vian kesyo may boyfriend na nga raw ako at kambal pa niya pero pinagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa akin. Bigla akong nalungkot habang iniisip, ayoko naman na masira ang relasyon ng magkambal ng dahil lang sa akin. Simula noong nag-away ang magkambal ay hindi ko na alam kung kanino ako kakampi, I tried one time na pagbatihin sila pero nagsuntukan lang sa huli. Nagbuntong hininga ako habang mula sa peripheral vision ko na magkabila ay pinagmamasdan ko ang gilid ng magkambal na magkahiwalay, ako ang nasa pagitan... Nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko at nakita si Vian na binulsa ang cellphone niya,