Chapter 13 "Tracy, I'm sorry kung medyo late ako." bungad ko kay Tracy nang makita ko siya, nasa harap siya ng resthouse nila at halatang hinihintay ako, nang nakita niya ako ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa may hagdan papasok ng resthouse at agad na tumakbo papuntang kinaroroonan ko. "It's ok, Ate Lean!" nakangiting sagot niya. "So let's go?" aya ko sa kanya, nakasuot ako ngayon ng beach dress, sa loob naman ay suot ko ang pares ng dark red bikinis na binili ko sa mall noon, doon pa kami nagkakilala ni Cyan. Tumango si Tracy habang nakangiti sabay hila sa kamay ko, "I'm so excited, Ate! Mommy and Daddy are both busy with paperworks while Kuya Devil naman is so scary that's why my only option is you!" Tracy whined. Napailing na lang ako. "You can play with Sache." Sabi ko s