Chapter 16 Hindi nagtagal ay napagdesisyunan na namin nina Tracy at Sebby na umuwi na, dahil nasa kompanya ang pamilya ni Tracy at andoon ang sasakyan ko ay bumalik kami sa kompanya, halos tatlong oras lang naman ang ginugol namin sa mall at halatang masaya si Tracy na makapasyal kasama ako. "Ate, next time ulit, gala tayo!" Aya niya noong lumabas kami ng sasakyan ni Sebby. Tumango ako, "oo naman, kapag hindi busy si Ate." Ngumiti ako sa kanya, tinignan ko si Sebby na tahimik lang na naglalakad habang nakapamulsa. "Salamat pala sa araw na 'to." Lumingon siya, "huh? Bakit naman? Binantayan ko lang si Tracy." Sagot niya sa akin at umiwas ng tingin, halatang may gusto siyang sabihin na matagal na niyang pinipigilan. "Sige, maiwan ko na kayo, huh? May gagawin pa ako." Tugon ko sa dalawa,