Chapter 18 Lean POV Sa buhay, natutunan ko ang lumaban. Sa mga luhang iniyak ko, sa mga kasakitan na naramdaman ko, sa lahat ng dinanas at tinanggap ko... isa lang ang alam ko; naging malakas ako. Mag-isa man ako, marami naman akong naging kakampi. Tatlong taon na at ngayon na ang oras upang ipakita ko sa mga tao-lalo na sa mga umapi sa akin-ang bunga ng lahat ng pinagdaanan ko sa mga tatlong taon na ito. "Ang daming may gusto na humawak ng shares ah at maging kakampi ng kompanya mo." Sebby commented habang ini-scan ko ang mga papel na nasa lamesa, pumasok sa silid si Cyan na may hawak ng kinagatan niyang mansanas at tumango sa akin. "I will simply ignore them." Sagot ko naman, "they are trash. I don't need trashes." "Whoa, chill lang, Lean." Pagtawa ni Cyan sabay kagat sa mansanas n