Chapter 20 Lean POV "You won't believe me what I found out." Nakangising bungad ni Cyan sa akin, may hawak siyang folder at nilapag niya ito sa table ko. Tumaas ang isang kilay ko, "ano 'yan?" "Listahan lang naman ng mga ninakaw ni Kimberly Crossford." He sneered. "Sino ang mag-aakalang magnanakaw pala ang Kim na 'yan? Tch, tch, kawawang Gian at pati siya nabiktima ng mistress niya." Dahil interesado ako sa nilalaman ng folder ay kinuha ko ito, tinabi ko muna ang mga papeles sa table ko at binuksan ang folder, "asan si Sebby?" Tanong ko. "Ah, ewan ko doon. Kasama ata niya ang Papa niya at kaarawan ngayon ng Mama niya." Sagot naman ni Cyan, halatang sabik na siya na makita ko ang nilalaman ng folder. Binuksan ko ang folder at binasa ang mga papel, "look at this..." sabi ni Cyan sabay