Chapter 25 Sebastian POV "Kanina ka pang wala sa sarili mo ah." Wika ko kay Lean, kanina pa niyang pinaglalaruan ang pagkain niya at hindi pa siya sumusubo. "May nangyari ba?" Cyan countered. Nagkatinginan kaming dalawa, sa tagal ng samahan naming tatlo, kilalang kilala na namin si Lean. Alam namin kung may naglalaro ba sa isipan niya at alam rin namin na iisa lang ang taong may ganyang epekto sa kanya. Gian. Alam kong nagbubulag bulagan lang si Lean, alam naman namin ni Cyan na mahal niya si Gian at siguro naguluhan lang siya sa isyu ni Vian. Matagal ko nang alam noon na nagpapanggap lang si Gian bilang Vian... I tried to find ways to tell Lean but words alone-she'll think it is a lie-kaya naman naghanda ako ng proof. The video tape which I gave Cyan. "Ah, napagod lang ako." She forc