Chapter 7 Sinara ko ang maleta pagkatapos kong mag-empake ng mga damit para sa trip namin papuntang Ilocos Sur, siguradong si Vian ay tatamarin na namang mag-empake kaya inempakehan ko na rin siya ng mga gamit niya, bale dalawa ang maleta ngayong ginamit ko, isa ay ang akin at ang isa naman ay para kay Vian. Pinunasan ko ang pawis ko bago tumayo at saka hinila ang dalawang maleta papuntang baba sa salas para mas mabilis na lang ang pagkuha namin nito kapag pupunta na kami sa Ilocos. Matapos iyon ay nagtungo ako sa bathroom para maligo, nagbabad muna ako sa tubig, ngayon lang ulit ako maka-relax, nakakatanggal ng stress ang mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko, napapapikit na lang ako. Nang nakaligo na ako at nakapagbihis ng damit ay naisipan kong pumunta sa mall para bumili ng mg