Chapter 10 "Lolo!" Tawag ko kay Lolo Bon nang makita ko siya, nandito na pala kami sa resort ng Lolo ko, sa wakas matapos ang walong oras ng pagbiyahe. "Apo ko!" Bigla niya akong hinila para yakapin, tinitigan niya ang mukha ko, "Apo, bakit parang stressed na stress ka? May problema ka ba? May nananakit ba sa iyo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Lolo, biglang napatingin sa akin si Vian na parang hinihintay ang sagot ko. Ngumiti ako kay Lolo, "Naku Lolo, kung anong nakikita niya. Syempre walang nananakit sa akin, alagang-alaga nga po ako ni Vian eh." I smiled, talaga si Lolo kilalang-kilala ako, sana hindi niya mahalata ang tensyong namumuo sa pagitan namin ni Vian. Ngumiti si Lolo Bon, "Hay naku bata ka, ang dami mong pinagbago. O'sya, tawagin mo na ang mga kasama mo't mak