bc

The Governor's Ex-wife—Filipino/SPG

book_age18+
68
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
badboy
heir/heiress
bxg
lies
addiction
wild
like
intro-logo
Blurb

#TagalogWritingContest-LoveGameWithAMulti-facetedBillionaire

Ako nga pala si Arabella Cerezo. Buong buhay ko, wala naman akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa isang Gabriel Contreras. Bukod sa pagiging mayaman at matapat na gobernador sa aming lalawigan, mahusay din siyang basketball player. Bawat three points niya sa ring, feeling ko, padagdag nang padagdag din ang puntos niya sa puso ko.

Hanggang sa isang araw, napansin niya ako. Daig ko pa ang tumama sa lotto nang ligawan niya ako at alukin na maging asawa.

Siyempre, aayaw pa ba ang lola n’yo?

Kahit sinasabi ng lahat na babaero si Gabriel, na laro lang para sa kaniya ang pag-ibig, naniniwala pa rin ako na isang basketbolista na gaya niya ang dapat kong mahalin. Dahil kung ang bola nga ay ayaw niyang mapunta sa iba, ako pa kaya?

Pero mali pala ako at tama sila.

Dahil kung gaano kagaling maglaro ng bola ang isang Gabriel Contreras ay ganoon din sa feelings ko…

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ARABELLA “WHAT the f*ck is the meaning of this, Arabella?” Nagising ako nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng aking asawa. Si Gabriel Contreras. Mabilis pa sa alas kuwatro na bumangon ako nang makita ko siya na nakatayo sa paanan ng kama at napakadilim ng anyo. Nakakuyom ang kaniyang mga kamay. At bago pa man ako makahuma ay may hinila na siya na kung ano mula sa tabi ko. Lalong nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang aming driver na si Pancho na ibinitin niya patiwarik bago ibinalya. Hubo’t hubad at mukhang kagigising lang. Mas napamulagat ako nang mapagtanto ko na wala rin akong suot na kahit ano. Agad kong hinila ang kumot at ibinalot sa aking katawan. “Walang hiya kang g*go ka!” Halos mahulog ako sa kama sa pagkagulat dahil sa lakas ng sigaw na iyon ni Gabriel, kasabay ng malakas din at sunod-sunod na suntok sa mukha ng aming driver. Napasigaw ako nang bumagsak ito sa sahig na duguan at halos wala ng malay. “Gabriel, tama na, please!” Dali-dali akong umawat habang nakatapis pa rin ang kumot sa aking katawan, sa takot na baka makapatay ng tao ang aking asawa. “Tama na nga sabi, eh!” Malakas ko siyang itinulak palayo nang akmang susugurin niya uli si Pancho. Tinulungan ko itong makatayo para sana patakasin na. Pero binigyan pala ng ibang kahulugan ni Gabriel ang ginawa kong iyon. Lalo siyang nagalit at muling pinagsasapak ang aming driver hanggang sa tuluyan itong nawalan ng malay “So, you're choosing him over me?” bakas ang galit at pait sa mukha ni Gabriel nang balingan niya ako. “I’m your f*cking husband, Arabella!” “I’m not choosing him—” “I want you out of my room. Now!” sa halip ay sigaw niya uli sa akin na halos dumurog sa puso ko. “Gabriel, mag-usap muna tayo, please…” mangiyak-ngiyak na pakiusap ko. Sa kabila ng takot na nadarama ko dahil sa nakikita kong galit sa mga mata niya, lumapit pa rin ako sa kaniya. Pero lalo lang nasaktan ang puso ko nang itulak niya ako. “Umalis ka na, Arabella. Lumayas ka na sa pamamahay ko.” Tinabig niya ang aking kamay nang muli akong lumapit sa kaniya. “At huwag na huwag ka nang magpakita pa sa’kin kahit kailan.” Sa lahat ng masasakit na salitang natanggap ko sa kaniya mula noong magsama kami, ang mga iyon na ang pinaka-sumaksak sa puso ko. Kaya kong tiisin ang lahat, huwag lang niya akong pagtulakan palayo sa buhay niya. Umiiyak na tinawid ko ang aming distansiya. Ipinaikot ko ang mga kamay ko sa beywang niya at saka ko siya niyakap nang mahigpit. “M-mahal na mahal kita, Gab. Hindi ko kayang malayo sa’yo.” “Sana inisip mo ‘yan bago ka lumandi sa lalaking ‘yan, Arabella.” Malakas na binaklas niya ang aking mga braso at itinulak akong muli. “Hindi kita pinakasalan para iputan lang ako sa ulo.” “No! Hindi totoo ang nakita mo, Gab!” umiiyak na hiyaw ko. “Hayaan mo kasi muna akong magpaliwa—” “We’re done anyway.” Napalunok ako nang makita ko ang galit at pagkasuya sa mukha ng aking asawa. “The game is over. Hindi na kita kailangan, Arabella Cerezo.” Naguguluhan na tumingin ako sa aking asawa. “A-ano ang ibig mong sabihin?” Sa halip na sumagot ay kinuha ni Gabriel ang attaché case na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Binuksan niya iyon at may dala na siyang folder nang muli siyang humarap sa akin. “Hindi mo na kailangan pang malaman. Just sign this,” malamig na turan niya bago niya inabot sa akin ang laman ng folder. Sa kabila ng aking kaba ay binasa ko pa rin iyon. Awtomatikong nanginig ang aking mga kamay dahil sa nilalaman niyon. Nanlaki ang aking mga mata na natutop ko ang aking bibig para pigilan ang paghikbi. “N-no… hindi ako papayag na ma-annul ang ating kasal, Gabriel. I’m pr—” Lalong nagtagis ang bagang na hiniklas niya ang aking braso at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. “Pipirma ka ba o papatayin ko kayong dalawa ng lalaki mo?” Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Alin man sa dalawa ay lubos na nagpapasakit sa puso ko. Akala ko kasi okay na kami after nang may mangyari sa amin. Ilang gabi na rin na nagpapakasasa siya sa katawan ko. Pero kung pilitin niya ako na hiwalayan siya at kung pagbantaan niya ang buhay ko, parang hindi niya ako asawa. Ang sakit-sakit. Alam ko naman na kung bakit lang niya ako niligawan at pinakasalan. Kahit hindi niya aminin, malinaw na iyon sa akin. Sa unang gabi pa lang ng aming pagsasama at naging cold na agad siya sa’kin. Pero umasa pa rin ako… umaasa pa rin ang puso ko na baka matutunan din niya akong mahalin at maging totoo ang aming pagsasama kaya never ko siyang sinumbatan. Ngunit nang bantaan niya ang buhay ko… May pag-asa pa nga ba na mapansin ako ng isang Governor Gabriel Contreras bilang asawa niya? Pinunasan ko ang aking mga luha na nag-uunahan sa pagpatak. Ngayon, alam ko na ang dapat kong gawin. Kailangan ko na siyang palayain… Kailangan ko nang palayain ang sarili ko para matigil na ang aking pagpapakatanga. Dahil kahit kailan naman ay never siyang naging akin. Kinuha ko ang ballpen at mahigpit na hinawakan. Bago ko inilapat ang tinta niyon sa annulment paper ay pinakatitigan ko muna ang aking asawa. “I know that letting you go is hard. Pero mas mahirap ang makasama ang isang taong wala namang pagmamahal sa’kin, Gabriel. I’m setting you free, hindi dahil pagod na ako na mahalin ka. Kundi dahil tanggap ko nang hindi ka magiging akin kahit ano pa man ang gawin ko. Sana mas maging masaya ka kapag nawala na ako sa buhay mo.” Muling tumulo ang aking mga luha bago ko winakasan ang isang taon naming pagsasama. Huling-huli ko ang blangkong emosyon na gumuhit sa mukha ng aking asawa nang ibalik ko sa kaniya ang papel. Hindi ko maintindihan kung bakit parang natulala siya sandali bago niya ako tinalikuran nang walang ano mang salita. “I’m sorry…” Masaganang luha ang muling namalisbis sa magkabilang pisngi ko nang himasin ko ang aking tiyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
474.5K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
521.1K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
613.6K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook