This year is one of my favorite but yet painful. Hindi ko mapigilan tumulo ang luha ko habang nakatingin sa pinto ng emergency room. Katabi ko si Storm habang yakap yakap ako mula sa gilid. Masaya kami, masayang masaya kami kanina habang nag dedecorate ng bahay dahil papalapit na ang pasko. Pero napalitan yun ng takot at sakit ng makita namin si papa na bigla nalang natumba habang hawak hawak ang kaliwang dibdib. Hindi namin alam kung ano nang yari kung bakit ganito na lang. Halos hindi kami makagalaw noong makita namin na humandusay si Papa. Masaya s'yang pinanonood kaming lahat habang nag aayos ng bahay. Masayang masaya pero bigla na lang nag laho ang saya nang makita namin s'yang ganito. "Shhh. Papa will be okay." Pag aalo ni Storm sa gilid ko. "He's strong, sweetie. Be strong too