Pinang gigilan ko s'ya at saka tumingin ako kay kuya na pinag mamasdan ako. Kumunot ang noo ko sa kanya dahil sa kanyang titig. Humikab ako at saka pumunta sa cr para mag ayos. Nag hilamos ako at saka lumabas. Wala na sila kuya sa loob kaya naman malaya kong hinubad ang suot ko. Lagi akong handa kahit saan kaya naman inayos ko ang sarili ko. Kumuha ako ng bathrobe saka sinuot 'yon. Kumuha na din ako ng towel at saka lumabas ng kwarto ko. Dumiretso agad ako sa pool at nakita ko sila na nandon. Naka boxer si Ren tulad ng daddy at tito n'ya. Si eyra naman ay pareho kami ng suot kaya umirap kami sa isa't isa. Umupo ako sa gilid ni Sai na ngayon ay buhat buhat ang kanyang anak. "Dy!" sigaw ni Renj kay kuya kaya napatingin ito sa gawi namin. Kumaway si Kuya samin ng kinatawa ni Renj. Kaya na